CONCEPCION: VOLUNTARY OUTDOOR MASKING PANIBAGONG YUGTO SA COVID

Matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 3 na nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga outdoor settings, sinabi ng founder ng Go Negosyo na si Joey Concepcion na ito ay panibagong yugto sa laban Pilipinas sa pandemya.

“Dito sa panibagong yugto, ang mga Pilipino ang mamamahala sa kanilang kalusugan, at kung saan ang diskarte ngayon ay matiyak na hindi magiging malubha ang epekto nito sa atin,” sabi niya.

Kabilang dito ang pag-iimbak ng mga antiviral na gamot, na ayon kay Concepcion ay mas praktikal na hakbang. “Dapat nating tiyakin na mayroon tayong sapat na suplay ng mga antiviral pill, lalo na ang Paxlovid, na kasalukuyang wala na tayong stock sa bansa. Ito ay magiging mahalaga habang ang mga tao ay nagsisimulang gumalaw nang walang face mask sa outdoor settings, “aniya.

Binigyang-diin ni Concepcion na dapat ipagpatuloy ng mga Pilipino na tiyakin na tatanggalin lamang nila ang kanilang mga face mask sa mga outdoor settings at kung saan may magandang bentilasyon, ngunit patuloy na isuot ito sa mga pampublikong transportasyon at mga healthcare facilities,, at kapag kasama ang mga vulnerable, tulad ng matatanda at mga maliliit na bata.

Sinabi rin ni Concepcion na alam na ng mga Pilipino kung paano umiwas magkaroon ng Covid, ayon sa ang isang survey noon unang bahagi ng taon na nagpakita na patuloy silang magsusuot ng mga face mask upang maprotektahan ang kanilang sarili at ang kanilang mga pamilya kahit na hindi sila kinakailangan na gawin ito.

Related posts

Leave a Comment