Dalawang entry kampeon sa 2023 World Slasher Cup 2

Dalawang entry ang tinanghal na kampeon sa pagtatapos ng ikalawang edisyon ng 2023 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby Martes ng gabi sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Co-champion sa nasabing torneo ang 22GF/Ormoc Joe entry ni Pablito Gregore at ang Infiniti Gold 6-Cock Derby June 21 Manila Arena-2 entry ni Joseph Panganiban matapos makapagtala ng 7.5 points sa pagtatapos ng prestihiyosong derby ngayong taon.

Runner-up naman sina Tata Gov/Tata Rey, Fiscal Moises Villanueva, Eddie Gonzales, Jon Jon Cano, Frank/Guam Boys/Joey Melendres, at Nene Araneta na parehong nakapagkamit ng 7 points.

Samantala, nakapagkamit naman ng 6.5 points ang combined entry nina Bebot Uy at Patrick Antonio sa pagtatapos ng nasabing torneo.

Mayroon naman tig-anim na panalo at tatlong talo ang entry nila Daday Siochi/Raymond Dela Cruz at Alan Arandia/Allen Amador/Teng Ranola.

Nakapagtala naman ng tig-limang panalo at apat na talo sina Domino Valera at Pol Estrellado, habang mayroon naman tig-apat na panalo at limang talo sina Nelson Baccay, Joel Lustria, at ang combined entry nina Roger Vibal at Jun Durano.

Tampok sa grand finals ang 34 sultada mula sa 17 grand finalists na lahat naghahangad na masungkit ang pinakaaasam na WSC title.

Naka-iskedyul ang ikalawang leg ng nasabing derby mula Mayo 22 hanggang Mayo 30.

382

Related posts

Leave a Comment