DALAWANG MILYONG PUNONG NAPALAGO, IPINAGDIRIWANG NG ONE MERALCO KASABAY NG EARTH DAY 2023

Kasama ng One Meralco Foundation ang mga employee volunteer mula sa Meralco sa ginanap na tree planting activity sa Siniloan, Laguna bilang bahagi ng programang One for Trees.

Kamakailan ay umabot na sa dalawang milyon ang kabuuang bilang ng mga punong nasa ilalim ng pangangalaga ng nasabing programa.

Umabot na sa mahigit dalawang milyong puno ang naitanim ng One Meralco sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, isang tagumpay na ipinagdiwang ng grupo kasabay ng Earth Day ngayong taon.

Pinangungunahan ng One Meralco Foundation (OMF), ang social development arm ng Meralco, ang pagaalaga sa naturang mga puno bilang bahagi ng environmental advocacy program nitong One for Trees.

Ayon kay OMF President at Meralco Chief Corporate Social Responsibility Officer Jeffrey O. Tarayao, patunay ang programa na nakakapaghatid ang mga grassroot partnership ng foundation ng benepisyo at makabuluhang pagbabago sa mga komunidad.

Dagdag pa niya, hatid ng One for Trees ang mga sustainable na solusyon gaya ng reforestation at environmental protection na tumutugon sa mga isyung pangkalikasan sa bansa.

Mula nang inilunsad ang programa noong 2019, umabot na ang One for Trees sa iba’t-ibang lugar sa bansa tulad ng Bohol, Bukidnon, Aklan, Agusan del Norte, Pampanga, Bulacan, Laguna, Quezon City, pati na rin sa Panay, at Cebu kung saan matatagpuan ang mga reforestation site ng Global Business Power Corporation, isang wholly-owned subsidiary ng Meralco PowerGen Corporation.

Bukod sa pagtatanim at pangangalaga ng mga puno, layunin din ng programa na makatulong sa pagpapaunlad ng mga komunidad.

Sa tulong ng mga partnership ng OMF sa iba’t-ibang organisasyon, nabibigyan ng kabuhayan ang mga nangangailangang miyembro ng komunidad.

Ang lahat ng ito ay bahagi ng pangunahing layunin ng programa na makapagpalago ng limang milyong puno sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas pagsapit ng 2026.

“Maliban sa pangangalaga ng kalikasan, hangad ng One for Trees na makatulong na makapagbigaykabuhayan ng mga komunidad na nangangalaga sa mga punong itinatanim sa ilalim ng programa,” ani Tarayao.

Ayon naman kay Meralco President at Chief Executive Officer at OMF Vice Chairman Atty. Ray C. Espinosa, bahagi ang reforestation sa pagsusulong ng One Meralco ng sustainability hindi lamang sa operasyon ng kumpanya kundi pati na rin sa komunidad.

Ang programang One for Trees ay naka-sentro sa pangangalaga at pag-iingat ng planeta.

Ito ay isa sa mga pangunahing inisyatiba sa ilalim ng “Powering the Good Life”, ang sustainability agenda ng One Meralco na naaayon sa United Nations Sustainable Development Goals.

239

Related posts

Leave a Comment