FASHION FORWARD: RAMPA SA PAGSUOT NG JEANS

JEANS

(Ni ANN ESTERNON)

Sino bang hindi nagsusuot ng maong na pantalon o jeans kung tawagin?

Lalaki man o babae ay isinusuot ito kahit ano pa ang kanilang mga edad. Ngunit ang pagsuot nito ay hindi naman laging may maisuot ka lamang o pamporma lamang dahil malalim ang pagtingin sa kasuotang ito noong araw.

HISTORY

Ang kasaysayan ng jeans ay nagmula pa noong seventeenth century. At ayon sa pag-aaral nagmula pa ito sa mga lungsod ng Genoa sa Italy at Nîmes sa France.

Ang salitang jeans ay halaw mula sa Genoa habang ang denim ay halaw mula sa serge de Nîmes na ang ibig sabihin ay tela mula sa Nîmes sa timog ng France.

Isinusuot ito noon ng working-class people sa northern part ng Italy. Ibig sabihin ang jeans ay isa lamang outdoor working clothes.

Pagdating ng 1800 ay umusbong na ang tinatawag na blue jeans dahil mula ito sa telang kulay asul at kalaunan ay nakilala sa buong mundo.

Ang jeans ay inimbento nina Jacob W. Davis na isang Latvian-born American tailor at Levi Strauss na isa namang German-American businessman.

Sa kanilang kasunduan, ang kanilang disenyo ay naging patented noong 1873.

Sa kanila rin nagmula ang copper rivets, na isang characteristic feature ng blue jeans. Ang copper rivets na ito ay isang permanent mechanical fastener para hindi agad masira ang jeans na makikita sa bahagi ng mga bulsa nito.

Nagsimulang maging popular ang jeans sa bansang Amerika noong 1950s lalo na nang ito ay suotin ng aktor na si James Dean sa kanyang pelikulang Rebel Without a Cause noong 1955. Simula noon ay naging uso na ito dahil ginaya na siya ng kanyang fans sa pagsusuot ng naturang damit.

KLASE NG JEANS

Straight – formal at casual ang dating nito at mas common sa mga lalaki.

Skinny – magbibigay ng magandang fit o hulma sa katawan. Pero iwasan ang magsuot ng skinny kung hindi ka komportable sa iyong figure, lalo na kung ikaw ay plus size at hindi kayang magdala ng ganitong klase ng jeans.

Karaniwang isinusuot ito ng mga babae ngayon ngunit bagay din ito sa mga lalaking may short legs.

Dapat itong iwasan kung kayo ay may varicose veins.

Slim – katulad lamang din ito ng skinny type jeans ngunit mayroon itong extra size at comfort. Nagbibigay ito ng magandang figure sa lower body ng babae o lalaki. Bagay din ito sa mga lalaking may thinner build.

Bootcut – obviously ay para ito sa mga pormang cowboy na magsusuot ng kanilang boots dahil ang porma ng ibabang bahagi ng jeans ay tama lamang sa boots na isusuot.

May iba rin naman na ang itiniternong sapatos dito ay sneakers at kung may confidence ka naman at kaya talagang irampa ang ganitong porma ay pupuwede naman. Puwede rin ang mga stilettos. Ika nga ay ‘nasa nagdadala lamang iyan.’

Relaxed – mas super comfy itong suotin dahil may enough space para sa larger thigh and calf dahil commonly na ginawa ito sa mga lalaking may wider legs.

Loose – ito ang kadalasang sinusuot ng mga hip-hop kung pumorma. Higit na mababa ang pundilyo nito para sa higit na pagrampa.

Flared – parehas lang halos ito ng bootcut. Ang kaibahan lamang ay mas wider hem ito. Ito ang estilong nauso noong 70s na inirarampa babae man o lalaki.

Wide Leg – baggy jeans din ito kung tawagin na naging in noong 90s. Palapad ang hulma nito mula hita pababa.

Cropped pants – para itong capri pants, shorter sa regular na klase ng jeans. Ang putol na bahagi nito ay nasa itaas ng sakong. Mas bagay ito sa mga babaeng mahahaba at may katamtamang laki ng legs.

Boyfriend jeans – mga babae ang nagsusuot nito na tipong humiram lang ng jeans sa kanilang partners. Relaxed ang cut nito kaya comfy suotin pero namimili rin ng damit na pantaas para ito ay bagayan.

PAG-AALAGA SA JEANS

– Ayon sa website ng Levi Strauss & Co. hindi kailangang labhan ang jeans sa bawat paggamit nito dahil hindi iyan binili para maluma.

Kung hindi naman maruming-marumi ang pantalon pero may dumi ito sa isang partikular na lugar ay ito na lamang ang linisan. Halimbawa, kung ang parteng tuhod nito ay may putik ay kumuha ng soft brush na may kaunting tubig at kaun-ting sabon saka ikuskos sa maruming bahagi nito – hindi kailangang labahan.

– Minsan lang dapat na labhan ang jeans at iwasang ilagay ito sa washing machine. Kailangang umabot muna ng 10 beses na paggamit ang pantalon bago ito labahan. Ibig sabihin sa pagsuot pa lamang nito ay dapat maging maingat na. Iwasang mapawisan, maalikabukan, maputikan, mamantsahan ng tinta, pagkain, mantika at iba pa.

Bago ito labahan at itsek muna ang bawat bulsa at secret pockets nito at siguraduhing matatanggal ang anumang nakalagay mula rito.

Tandaan na dapat mas ingatan ang darker color na jeans dahil habang nalalabhan ito sa washing machine man o sa kamay ay nangungupas ang kulay at nabubugbog ang tela, at maaaring kalawangin ang copper rivets nito.

Gamitan ito ng malamig na tubig sa paglalaba, mild na sabon at sapat na tubig lamang ang kailangan para mas safe ang damit at hindi mangupas.

– Siguraduhing walang nakatuping bahagi ng pantalon para masigurong malilinisan ang bawat parte nito.

– Isampay ito matapos malabhan at patuyuin sa hangin – huwag gumamit ng dryer dahil ikakasira lamang ito ng kalidad ng tela. Kailangan ay air dry lang ito at hindi dapat matapat o mabilad sa sikat ng araw. Siguraduhin ding nakabaliktad (inside out) ang mga damit at maayos itong nakasampay.

– Maging maingat din kung ito ay kailangan pang plantsahin. Kung stretchable ang tela nito, o tama ang fit nito sa katawan ay mas maiging hindi na plantsahin pa para hindi maging malutong ang hibla ng tela at masira kalaunan.

458

Related posts

Leave a Comment