FASHION TIPS PARA SA KIDS

KIDS FASHION TIPS-2

Sa maraming aspeto, malaki ang pagkakaiba ng mga bata sa mga nakakatanda sa kanila kaya pagdating sa pormahan ay ibang-iba rin naman talaga sila.

Sa paglipas ng panahon, naiiba rin ang fashion pagdating sa mga bata. Gayunman, sa batang tulad nila, may mga bagay pa rin na dapat ikonsidera bago sila bihisan.

Katunayan marami sa mga kasuotan ngayon ng mga bata ay parang nasa level na rin ng kasuotan ng mga matatanda. At ang nakagugulat pa rito ay iba na rin ang mga “taste” ng mga ito pagdating sa mga damit na kanilang susuotin. Ito ay dahil exposed na rin sila sa mga smartphones or screens na mula sa kanilang gadgets kaya madali rin nilang ma-access ang fashion ng celebrities na kanilang nakikita.

Sa pagdadamit sa inyong little ones, nasa mga magulang o guardians para masiguro silang looking good and most importantly dapat ay feeling good din sila.

– Isipin lagi sa mga isusuot ng mga bata ay laging komportable sila rito – una palagi na comfy sila bago ang sense ng style.

Dapat maging komportable ang mga bata sa kanilang mga isusuot dahil sila ay mga bata – malikot, panay ang takbo, tumatalon, payuku-yuko, umaakyat sa kung saan-saan at kung anu-ano pa.

– Maging maingat din sa mga damit lalo na kung hindi pa potty trained ang mga bata o sa mga moment na sila ay dudumi o iihi. Kailangan ang damit ay komportable sa kanila, kung saan mada­ling ma-adjust ang kanilang mga isusuot at hindi mauuwi sa kahihiyaan ito.

– Dapat ding i-consider na huwag basta silang bihisan ng puti o light colored na damit lalo na kung party ang inyong pupuntahan o kung sadyang malikot o dumihin sa damit ang mga bata.

– Palagi ring tandaan na “It’s better to underdress than to overdress.” Nangyayari ang ganito kung halimbawa ay pupunta kayo sa isang wedding. – – Syempre, you want your child to look nice and put together, pero kung ang anak mo ay malaro talaga o sadyang malikot ay huwag siyang pasuotin ng sobrang garbong damit or huwag silang i-overdress. Torture na sa kanila kapag over na ang damit nila. Ikokonsidera mo rin kasi na puwedeng pawisan ang mga bata sa kanilang mga damit.

– Also, dress them for the weather. Huwag naman silang pasuotin ng sleeveless kung malamig na ang panahon o maulan. Kapag halimbawa namang nasa isang party kayo at sa open air ang venue at hindi rin naman maka-decide dahil sa may unpredictable weather, mas maiging pasuotin sila ng damit na hindi gaanong hassle para sa mga bata pero dapat pa rin itong bagay sa panahon at okasyong pupuntahan.

– Isa rin sa mahalaga na dapat tandaan ng mga magulang ay huwag namang madaliin ang paglaki o pagtanda ng mga bata sa kanilang mga sinusuot. Kailangan ba talaga ng little princess ninyo na mag-heels palagi? Gamitan ng makeup o kahit lipstick? Laging may tasteful alternatives para sa kids when it comes to fashion. Huwag ipilit sa kanila ang hindi bagay sa kanilang mga edad. Iwasan din na gamitan sila lagi ng hair products dahil makakasira naman ito sa kanilang buhok o anit.

– Huwag ding ipilit sa bata na kahit maganda ang damit sa kanila ay sasabi­hing ‘yon ang kailangan nilang isuot. May moment na kapag pinilit sa kanila ang mga damit na gusto ninyo ay masisira nang husto ang kanilang mood. Sa huli ay sira ang kanilang porma at sira rin ang inyong araw.

– Huwag ding balewalain o suwayin ang mga bata kapag may gusto silang isuot o idagdag na accessories. Mas maiging mayroon silang participation habang sila ay binibihisan dahil baka may idea sila na mas maganda sa idea ninyo. Maiging may freedom din sila sa pamimili ng mga damit so ask them, “Which shirt would you like to wear today? This one or this one?” At sa pagkakataong ganito rin ay natututo sila sa tamang pagporma o pagbibihis at mag-eenjoy pa kayong pareho.

– Para mas maging masaya ang pananamit, pagsuotin ang mga bata ng fun colors. Nasa pag-aaral din kasi na kapag colorful ang mga damit ng bata ay nagiging masaya at positive din ang kanilang moods. Pwede rin ikonsidera ang pagsusuot ng mga damit na may cartoon characters lalo na kung ito ay mga paborito nila.

– Iwasan na maging baduy sila sa pananamit. Bata sila at huwag gawing Christmas tree. Iwasan ang mga weird na kulay at huwag pagsasamahin pa ang mga ito. Neon colors could be challenging so try not to mix three or more of those colors as you wouldn’t want your kids to look like clowns.

– Sa pagsusuot ng heels, iwasan na irampa ito ng inyong girls lalo na kapag ang taas nito ay 3 inches na. Hindi iyan comfy and safe para sa kanila.

– Sa inyong boys, iwasan ang pagsuotin sila ng skinny ties dahil hindi ito cute o bagay para sa kanila.

– Sa inyong babies, cute silang bihisan dahil hindi naman sila kasing kulit o malaro tulad ng toddlers o mas matanda pa sa mga ito.

404

Related posts

Leave a Comment