FASHION TIPS PARA SA MGA PETITE

PETITE

(Ni ANN ESTERNON)

Maraming nag-aakala na kapag sinabing petite ay ito lamang ay mga maliliit at slim. It refers to women who are 5’4 and under. Petite women come in all shapes and sizes.

Kung petite ka o maliit na babae, hindi naman mahirap ang pumorma.

In all honesty, sa ganyang hugis at laki mo ay dapat may mga bagay kang ikino-consider para hindi ka magmukhang baduy o bakya sa pananamit at sa halip in style ka pa rin at dapat may lalaruin ditong illusion para hindi gaanong mapansin ang iyong height bagkus ang maganda mong estilo.

The idea here is to work with our natural body type and dress up to bring out the best in us.

– To score the best pieces that flatter a petite frame dapat alam mo kung saang store ka pupunta. Pwede mo ring maging guide ang mannequins para may idea ka kung anong mga damit ang babagay sa iyo.

– Always favor your figure. To accentuate your small frame, piliin ang monochrome look with nude shoes or wear a deep V-cut neckline.

– Para sa bustier petites (o ang “malaki ang hinaharap”), balance is the key. Ang mga fuller petite body type ay pwedeng mag-iba-iba, but overall, celebrating shape is important. Empire waist is great since they nip you in beneath the bustline. Pwede mong i-try ang fitted top at iteterno sa high-low skirt. This way you’ve got a fitted base with an outer layer to balance — all without sacrificing shape.

– Para sa smaller frames, don’t overlook kids’ sizes. Ikonsidera ang larger kids’ sizes na interchangeable with the smaller petite sizes — at kadalasang mas mura ang mga ito.

– Use layers to fake a perfect fit. If an item is fine in some spots but too big in others, use layers to strategically cover the latter. Sa ganitong paraan may estilo pa rin ang pagporma mo.

– Things won’t always fit perfectly off the rack, kaya may option ka para mabago ito. Like for example, fit ang damit sa whole body pero ang sleeves ay maluwag, pwedeng bawasan ang lapad ng sleeves para sumakto sa pagiging petite mo.

– Kung may smaller frame ka na at naka-long sleeves, mas maiging itupi ang sleeves hanggang ibaba ng mga siko. Do it also with a quick tuck para ma-emphasize ang shapes mo. Pwede rin ito sa pants or jeans, roll them up or tuck them under.

– Pair shoes and bottoms na parehas ang mga kulay – black heels with black tights — to elongate your legs.

– Lengthen your torso sa pagsusuot ng isang longer fitted shirt underneath a cropped sweater.

– Pwede mo ring i-consider ang Google sa pagse-search ng mga tamang damit na naayon sa hugis at taas mo.

– Kung hirap kang makapili talaga ng style o sukat ng damit mula sa department store, pwede kang magpasadya nito sa mananahi. Also, know which brands are petite-friendly.

– Gaya ng ibang body shapes, huwag laging ikonsidera ang mga damit na uso. Dapat may mga damit kang pang-formal o puwede sa iba’t ibang klase ng okasyon.

– Syempre wala rin ang guide na iyan kung ikaw mismo ay walang confidence sa sarili. Just be confident in what­ever you wear. Advice ng designers, “Don’t believe that the goal of everything you wear is to make you look taller, embracing your body and wearing what you love and feel confident in is always a better idea.”

555

Related posts

Leave a Comment