FILIPINO INDIE MUSIC: MUSIKANG DAPAT DING TANGKILIKIN AT MAHALIN

INDIE MUSIC

(Ni RAVENSON BIASON)

Bagama’t makabago na ang ating panahon at halos okupado na ng millennials ang bugso ng trend ng musika, nakakasabay dito ang original Pilipino music o OPM. Kapag nagustuhan ng millennials, tiyak na sisikat at mamamayagpag ang isang kanta. Kapansin-pansin na ang mga patok o mga namamayagpag na kanta sa ngayon ay nabibilang sa Indie music. Teka, ano nga ba itong Filipino Indie Music?

ANG INDIE MUSIC AT ANG MGA INDIE ARTISTS

May kanta ka bang naririnig na maganda, pero ‘di mo alam? Pero, alam na alam ito ng ilan o ng kara-mihan? Kanta iyon ng isang indie artist at ang kantang narinig ay isang indie song. Ang siste, alam ito ng mga tagasunod ng indie music at ‘yun talagang nagsusumikap maghanap ng magagandang awit sa in-ternet.

Ang indie music ay isang estado ng musika na nilikha ng mga musikerong nabibilang sa kategoryang in-die. Ibig sabihin, malayang nakakakilos ang isang indie artists dahil walang may hawak sa kanya na rec-ord label. Sariling gastos niya ang pag-record ng mga obrang kanta at ang pagre-release nito.

Kumpara sa mainstream artists na hawak ng malala­king record label mas angat at lamang ang mga mainstream artists pagdating sa lahat ng aspeto. Madaling sumikat ang mga kantang mula sa main-stream dahil sadyang pino-promote ito nang todo. ‘Di gaya ng mga indie artists na nagtitiyaga lang sa sariling sikap.

RADIO PILIPINASGayunman, dahil na rin sa makabagong teknolohiya, hindi na balakid sa mga musikerong indie na palaganapin ang kanilang mga obrang awitin – sa tulong ng social media, YouTube at digital platforms. Sa ganitong paraan, napapansin ang ilang kantang indie at sumisikat. Kaya ang kasunod nito ay ang alok ng record label upang maalagaan sila at mas mapatanyag pa ang kanilang kanta – at mapasikat ang mismong artist. May ilang senaryo na ang ilang indie artists ay naging sa mainstream artists.

Sa nakalipas na apat na taon, lubhang namayagpag ang mga kantang indie at ang mga artist nito ay sadyang sumikat. Katunayan, karamihan ng mga patok o number sa countdown sa mga local FM radios, social media at iba pa ay indie music. Tandaan, na ang indie music ay hindi genre o uri ng musika gaya ng pop at rock. Ito ay isang malayang pagpapahayag ng musika mula sa isang nagpupunyaging mus-ikero.

KLASIPIKASYON NG MAINSTREAM ARTISTS SA INDIE ARTISTS

Para maliwanagan ang mga nakakabasa nito, ano ba o sino ang mga mainstream artists kumpara sa in-die artists?

Ang mainstream artists ay nahihilera sa bigtime na artists dahil sa hawak sila ng higanteng record label at ng industriya sa musika. Halimbawa nito ay ang mga artista na singer at ang talagang mga musikero. Kabilang sa siklo ng mainstream ang Banyuhay Ni Heber, Eraserheads, Parokya ni Edgar, Spongecola, Yeng Constantino, Moonstar 88, Sandwich, Ebe Dancel, Bamboo, Regine Velasquez, Shamrock, Ur-bandub, Rico Blanco, Rivermaya, Mayonnaise, Franco at iba pa.

Ang indie artists ay nahahati naman sa dalawang kategorya. Ito ay ang Level A indie, kung saan ang es-tado nila o kasikatan nila ay para na rin sa mainstream artists. Kabilang na rito ang Up Dharma Down, Ben and Ben, IV of Spades, December Avenue, SUD, Rouge, Autotelic, This Band at iba pa. Ang mga ito ay hawak o inalagaan na rin ng maliit o malaking record labels.

Ang mga nasa Level B naman ay ‘yung kilala ng iilan o may mga sariling followers. Sila ay kilala ng kapwa nila indie artist at ang mga awitin nila ay alam ng iilan o may nakakaalam. Sila ay marami na ring expo-sure, may nagawang album at kilala rin ng nasa mainstream. Pero, mas pinili na manatili sa nasabing estado upang ‘di malaos. Gayunman, naghahangad din ang ilan sa kanila na malambat ng mga higan-teng record label upang maalagaan. Kabilang sa mga ito ay ang grupo at indibidwal gaya ng Tamales, CHNDTR, Gil Sabado, The Promdis, Dominic Mamba Doringo, Jaypee Chang, Audio Sundae, Beatols Brotherhood Inc. The Zionchillers, Obet Rivera, Cultured Mind Band, NIVS, Ang Bandang Shirley, Madeline, Sleep Alley at Paraluman.

ANG PUWERSA NG ONLINE RADIOS SA PAGPAPALAGANAP NG INDIE SONGS

Lingid sa iba, pumapailanlang ang awiting indie sa mga indie online radio; na hindi rin pahuhuli sa mga tugtuging napapakinggan sa mainstream radios.

Gaya na lamang ng Filipino Indie Artists (FIA), kung saan mahigit sa libo na ang miyembro at marami na ring kantang pumainlanlang sa online radio nito simula noong Nobyembre 2017. Dahil dito, sumigla ang awiting indie. Salamat sa magandang adhikain ni Gil Sabado at sa mga katuwang niyang admins sa FIA na sina Fred Engay Jr., Carmela Salango Malubay, Joan Arposiple, Marineth Pedron, Dominic Mamba Doringo at Ramil Ordias.

Bukod sa FIA, katuwang din sa pagpapalaganap ng musikang indie ang ilang online radios gaya ng Radio Pilipinas, na ang nasa likod ay si sir Nolit Abanilla at ang kanyang maybahay na si mam Angela Abanilla ng Indie Pinoy. Gayundin ang Cultured Mind Pinoy Indie Radio (CMPIR) na pinamamahalaan ni Sonny Samonte ng bandang Cultured Mind.

Sila’y nagkaisa para sa musika sa pamamagitan ng pagtulong at paghatak ng mga awiting indie, pag-tulong sa recording, promosyon at pagpapatugtog ng kanta. Kinalimutan nila ang kompetisyon at itin-uon ang diwa sa wagas na adhikain na palakasin ang Pinoy Indie Songs. Kaya kahit na ikahon ang mga kanta ng ilang panahon, magsisimula na itong mamayagpag, dahil bago o kakaiba sa pandinig.

93

Related posts

Leave a Comment