HAPPY WALK 2023: KAMI AY NATATANGING NILALANG

Sa pagdiriwang ng National Down Syndrome Consciousness Month ngayong Pebrero 26, 2023, masayang idinaos ang “Happy Walk 2023” event sa Mall of Asia Music Hall, Pasay City, ngayong araw sa panguguna ng SM Cares bahagi ng SM Foundation at Down Syndrome Association of the Philippines, Inc. DSAPI.
Dumalo sa pagtitipon sina Mr. Hans T. Sy, Chairman ng SM Prime Holdings, Engr. Bien Mateo, Chairman SM Foundation at Mr. Nill Arroyo, Chairman ng Happy Walk Event 2023. Kasama ang Chairman ng Down Syndrome Association of the Philippines (DSAPI) na si G. Elmer Lapeña.
Ang DSAPI ang nagbibigay ng suporta sa mga pamilyang may mga anak na may down syndrome. Ang programang ito ay may temang “Kami ay mga natatanging Nilalang”. Kasabay sa pagdiriwang dito sa Maynila ang DSAPI Cebu, Davao, Cagayan de Oro at Bacolod.
26

Related posts

Leave a Comment