Mula pagkabata alam at kabisado natin ang ating itsura lalo na sa bandang mukha. Pero gaano ba natin ito pinahahalagahan sa mas malalim o mas matamang pagsusuri?
Alam n’yo ba na ang kulay at itsura na nasa mukha natin ay may mga senyales na hatid tungkol sa ating kalusugan. Alamin natin…
PANINILAW NG BALAT AT MGA MATA. Kapag naninilaw ang balat at mga mata senyales iyan na ikaw ay may jaundice. Nangyayari ito kapag mayroon kang labis na waste product sa iyong katawan na siyang sumisira sa iyong red blood cells.
Pangkaraniwan ito at kadalasang harmless o hindi naman delikado – para sa mga sanggol na wala pang 38 linggo, dahil ito pa lamang ang stage na ang kanilang mga atay ay hindi pa mature para makapag-function nang maayos.
Kung harmless sa mga sanggol, sa mga matatanda ito naman ay delikado dahil ang jaundice ay maaaring may dalang seryosong kondisyon. Ito ay tulad ng viral infections (hepatitis, mononucleosis); problema sa atay, gallbladder o apdo, lapay; o ang pag-abuso sa alak o alcohol.
NUNAL. Hindi natin sinasabing masama ang nunal dahil may nunal naman na harmless talaga at walang dapat na ipag-alala. Ang nunal ay kadalasang flat, nakaangat o bumpy o dark in color. Pero kung nakikita mo itong parang hindi normal o unusual mas maiging ipasuri sa doktor para sa cancer. Sa nunal may dapat kang tandaan para ipasuri sa doktor, ito ang ABCDE:
* Asymmetrical: kung kakaiba ang hugis nito kumpara sa iba
* Border: uneven o hindi ba ito pantay?
* Color: hindi ba pantay?
* Diameter: mas malaki ba ito sa pea size?
* Evolving: nag-iba ba ang itsura nito sa nakalipas na linggo?
MOUTH SORES. Kapag may cold sores ka sa labi o sa paligid nito, ito ay baka dahil sa type 1 herpes virus. Karamihan sa mga taong may oral herpes ay na-infect mula sa saliva noong bata o young adults, hindi sa sexual contact. Kapag nagkaroon ka na ng virus na iyan ay mananatili na ito sa iyong sistema. Susulpot ang sores na iyan kapag may sakit ka, may dinaramdam, sobrang pagod, o nakababad ka sa araw. Nawawala naman ito, pero kung ang breakouts na iyan ay madalas at malaki mas maiging kumonsulta sa doktor.
CRACKED LIPS. Lahat tayo ay nakararanas ng pagkakaroon ng cracked lips lalo na kung malamig ang panahon. At ang kadalasang remedyo natin dito ay ang pag-a-apply ng lip balms. Nakatutulong ito para maprotektahan ang mga labi at maging moist ito. Ngunit ang sitwasyong ito minsan ay senyales ng health issue katulad ng dehydration – kapag ang katawan ay walang sapat na tubig. Maaari rin itong sanhi ng allergic reaction bilang response sa drug.
BUTTERFLY RUSH. Karamihan sa rashes ay nawawala nang kusa. Pero ang butterfly rush ay isang unusual sa mukha at kadalasang senyales ito ng pagkakaroon ng lupus. Ito ay isang uri ng sakit kung saan ang immune system ay inaatake ang sarili mong tissues at organs. Idulog ito sa doktor lalo na kapag may nakitaan itong kasabay ng ibang sintomas.
BUHOK NA NASA UNUSUAL PLACES. Normal lang sa mga lalaki na tubuan ng buhok sa may bandang tainga o bandang kilay at sa mga babae sa bandang baba. Pero sa mas batang mga babae, pwede itong maging senyales ng polycystic ovary syndrome, isang kondisyon na mahihirapan silang manganak.
LUMALAYLAY NA EYELID. Tinatawag itong ptosis o blepharoptosis. Pwede itong mangyari sa isa o parehas na mga mata – sa ibang malalang mga kaso. Kapag laylay ang talukap ng mata ay maaaring maging sagabal ito sa iyong paningin.
HINDI MAGALAW ANG IBANG PARTE NG MUKHA. Kailangan na agad ng medikal na tulong kapag hindi nagalaw ang ibang bahagi ng katawan. Pero kung walang ibang sintomas ito, maaaring mayroon kang Bell’s palsy. Nangyayari ito kapag ikaw ay may virus – na nagpe-press sa ugat na kumukontrol sa muscles o kalamnan sa mukha o ginagawa itong maga. Nangyayari ito ng ilang oras, araw at nagpapahina sa ibang side ng iyong mukha. Nagkakaroon din ito minsan ng pananakit sa may panga at likod ng tainga. Minsan ay hindi naman ito seryoso at tumatagal ng tatlo hanggang anim na buwan.
FACIAL PARALYSIS NA MAY IBANG MGA SINTOMAS. Ang stroke ay nangyayari kapag ang daloy ng dugo ay napuputol sa parte ng utak dahil ang blood vessel ay pumutok o nabarahan. Kailangan agad na sumugod sa ospital o sa doktor kapag napansin ang alinman sa mga senyales na ito: ang lower part ng iyong mukha ay naparalisa, namamanhid o nanghihina ang iyong mga braso o binti, baluktot na pananalita, nagiging dalawa ang paningin, nahihilo o kaya ay hirap sa paglunok.
YELLOW SPOTS SA EYELIDS. Kapag may madilaw na bukol at nakaangat sa may bandang itaas at ibaba ng eyelids, ang tawag dito ay xanthelasmata. Ito ay kolesterol, hindi naman delikado o masakit at pwede namang tanggalin. Pero minsan ito ay senyales na magkakaroon ka ng sakit sa puso o aatakihin sa puso, kaya mas maiging magpakonsulta sa doktor.
NAMAMAGANG MATA. Ang space sa ibabang bahagi ng iyong mata ay maaaring may fluid kaya ito ay maga at nakalaylay. Ang mainit na panahon ay maaaring maging daan upang ang ating katawan ay mag-ipon ng tubig, ganoon din kapag kulang sa tulog, kapag may sobrang asin sa katawan o nagbabago ang hormones. Nangyayari ito at normal sa mga nagkakaedad dahil ang ating muscles na sumusuporta sa eyelids ay humihina. Kapag ang ating mga mata ay naging mapula at makati, ito ay maaaring allergic reaction sa pagkain, pollen, makeup, pabango, cleanser o isang impeksyon gaya ng pinkeye.
MELASMA. Ito ay nagdudulot ng gray-brown patches ng balat sa mukha. Hindi ito maipaliwanag nang eksakto ng doktor, ngunit ito ay maaaring dahil sa pagdadalantao o dahil sa pag-inom ng birth control pills. Sa ganitong kaso, ang melasma ay kadalasang nawawala, kapag ang bata ay isinilang na o nahinto na ang babae sa paggamit ng pills. Sa ibang kaso naman, maaaring magtagal ito ng ilang taon. May medisina o ibang treatments, gaya ng chemical peels ang nakatutulong dito.
NALALAGAS NA BUHOK. Kapag nakakalbo ang iyong kilay o pilikmata, at nagkakaroon ng patches ang iyong buhok, maaaring senyales ito ng isang kondisyon na tinatawag na alopecia areata. Nangyayari ito kapag ang ating immune system ay namali ng atake sa hair follicles. Walang paraan para maiiwas ang bagong patches, pero makatutulong ang doktor sa tamang medikasyon para rito upang bumalik at magkaroon muli ng buhok.
1068