INURNMENT NI NATIONAL ARTIST F. SIONIL JOSE GAGANAPIN SA LIBINGAN NG MGA BAYANI SA ENERO 18

Ang mga labi ng National Artist na si F. Sionil Jose ay ililibing sa Libingan ng mga Bayani sa Enero 18, 2022. Bago ang kanyang inurnment, magkakaroon ng misa sa ganap na alas-10:00 ng umaga na susundan ng State Funeral.

Ang National Artist ay pumanaw noong Enero 6, 2022 habang naka-confine sa Makati Medical Center habang naghihintay sa kanyang angioplasty. Siya ay pumanaw sa edad na 97.

Ang inurnment ay sa pamamagitan lamang ng pag-anyaya, batay sa nakasaad sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases protocols. Sa mga nais magbigay ng kanilang pakikiramay, kayo ay pinapayuhang tumutok sa live streaming sa CCP Facebook Page.

Ang necrological service at tribute sa Cultural Center of the Philippines ay nasuspinde batay na rin sa abiso ng pamilya. Paki hintay lamang ang pinakabagong impormasyon.

Isa sa mga pinakaginagalang at tinatangkalik na mga manunulat, si F. Sionil Jose ay kilala sa kanyang mga nobela at pampanitikan na nagtataguyod ng pambansang soberanya at katarungang panlipunan, tulad ng kanyang sikat na seryeng Rosales saga.

Siya ay pinagkalooban ng Pambansang Alagad ng Sining noong 2001 para sa kanyang natatanging kontribusyon sa panitikan ng Pilipinas.

Bilang nagtatag ng Philippine chapter ng PEN, siya ay nakatanggap ng iba’t ibang parangal tulad ng CCP Centennial Honors for the Arts noong 1998, Outstanding Fulbrighters Award for Literature noong 1988, Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature, and Creative Communication Arts noong 1980, gayundin ang ilang Palanca Awards.

248

Related posts

Leave a Comment