Matapos ang matagumpay na panimula sa kabubukas pa lamang na Ayamalls Manila at Alabang Town Center, ang Kain Na! ng Department of Tourism (DOT) na food and travel festival ay nagpatuloy para sa kanilang nationwide campaign sa norte.
Ang Ayala Technohub Baguio na nasa Camp John Hay sa Baguio, Benguet, ang siyang naging host ng nasabing culinary extravaganza na sinimulan noong Oktubre 11 hanggang 13.
Itinampok sa Kain Na! ang mga pagkain at farm tourism offerings ng Ilocos, La Union at Pangasinan, Cagayan Valley at Northern Philippines Island Region pati na ang Cordilleras.
“It is now the time for our regions up north to showcase their culinary prowess at the Kain Na! North edition,” ani DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa matagumpay na proyekto.
Maliban sa food exhibitors at local chefs, regional farm tourism associations, farm owners at o-perators na suportado ng partner agency, ang Department of Agriculture (DA) ay nagpasinaya rin sa isinagawang three-day event.
“We are ever thankful to our partners and exhibitors in supporting our advocacy of promoting our food and farm tourism,” dagdag pa ni Secretary Puyat.
Sa ginanap na Kain Na! sa Ayala Baguio Technohub, naging exhibitors dito ang Green Pepper Dos, Forest House Bistro & Café, Café Yagam, Bistro Lokal, Cosmic Farm, Lihim Ni Maria, Vincent’s Place, Le Monet, at Upnorth Business Club mula sa CAR, Provincial Government ng Ilocos Sur, Marsha’s Delicacies, Dapuyen’s Vigan Empanada & Delicacies, Glory’s Empanada, Sangkap Ilokano Arts, Pangasinan Entrepreneurs Development Association Inc., at Nutridense Food Products mula sa Region I at MJ’s Health Products, Z Bros Food Products, Abulug Dragon Fruit Association, C.E.C. Food Ventures, Lighthouse Cooperative, KTCM Enterprise, at DA-CVIARC Employees MPC from Region II.
Nagpakitang gilas din ang pride ng Cordillera Administrative Region dahil sa talento ng chefs tulad nina Benjamin Munar ng Upnorth Business Club, Miko Dy ng Bistro Lokal, at Khen Ignacio ng Vincent’s Place. Dito ay nagkaroon sila ng ibang food demonstrations ng etag, kining smoked pinuneg, at mango vinaigrette.
Samantala, hindi rin nagpahuli ang chefs mula sa Ilocos Region kabilang sina Chef Ruben Ignacio na naghanda ng Urduja’s Seafood Pinakbet at Pigar-Pigar Skewers, habang si Chef Xavier Mercado ay pinalasap ang Okoy Tikyosko. Present din ang husay sa kusina nina Chefs Jasper Juliane Alinio at Yason Yadao Tolentino sa kanilang Rosangis Pasta, Poqui-Poqui at Pinakbet.
Kinumpleto rin ang naturang chef lineup mula sa Cagayan Valley Region dahil kina Elizabeth Allam, Socorro Mabuti at John Paul Guzman.
Inorganisa sa pakikipagtulangan ng Ayala Malls, ang Kain Na! ay masasaksihan pa sa iba’t ibang syudad sa Luzon, Visayas at Mindanao na gaganapin sa Nobyembre 22-24 sa Ayala Malls Centrio, Cagayan de Oro, maging sa Regions 9 (Zamboanga Peninsula), 10 (Northern Mindanao), 12 (SOCCSKSARGEN), at 13 (Caraga); at sa Disyembre 6-8 sa Ayala Malls, The Strip, Iloilo City, at sa Region 6 (Western Visayas).
482