KATAMARAN NAKAHAHABA NG BUHAY

KATAMARAN-16

MARAMING nagsasabi na kapag tamad daw ang isang tao, wala raw itong mararating.

‘Yan ang pinabulaanan ng grupo ng scientists sa University of Kansas (KU) na pinag-aralan ang fossils at extant bivalves at gastropods sa Atlantic Ocean. Iba raw kasi ang siste sa species na ito dahil ang pagiging tamad ay nakahahaba pa ng buhay nila.

Natuklasan kasi sa pag-aaral na kung mas mabilis ang metabolic rate, mas malaki ang tiyansa na maging extinct, kabaliktaran sa species na mayroong mababang metabolic rate, ayon sa statement.

Pinag-aralan sa isinagawang study ang metabolic rate ng 299 species.

Ayon sa grupo, pinangungunahan ni KU Biodiversity Institute and Natural History Museum postdoctoral researcher Luke Strotz, ang mga mollusk specie na ang may mabibilis na metabolic rate ay mas mabibilis na namamatay kaysa sa may mababagal na metabolic rate.

Ang metabolic rate ay ang dami ng energy na kailangan ng isang hayop para mabuhay. Ang mas mabilis na metabolic rate ay nangangahulugan ng mas mataas na paggamit ng energy. Mas active o mas maraming ginagawa, mas ma­raming energy ang kinakailangan. Bukod pa rito, mas kailangan ding kumain nang mas marami upang mapalitan ang mga nawalang ­energy para patuloy na mabuhay.

Sa kabilang dako, ang mas mababang metabolic rate ay mas kaunting energy ang kailangan gamitin.

Gayunpaman, binigyang-diin ng mga researcher na ang metabolic rate ay isa lamang sa factors na maaaring naging dahilan ng extinction ng mga specie. Kabilang sa kanilang binanggit na factor ay ang pagsasama-sama nito sa ­iisang lugar. Ang pagsasama-sama ng species ay nakapagpapataas ng kanilang tiyansa na ma-extinct.

Sabi naman ng co-author ng pag-aaral na si Bruce Lieberman, professor of ecology and evolutionary biology, “Maybe in the long term, the best evolutionary strategy for animals is to be lassitudinous and sluggish — the lower the metabolic rate, the more likely the species you belong to will survive.”

“Instead of ‘survival of the fittest,’ maybe a better metaphor for the history of life is ‘survival of the laziest’ or at least ‘survival of the sluggish,’” dagdag pa niya.

244

Related posts

Leave a Comment