Kapag may kalakihan ang iyong size, plus size o ikaw na ang tipong sinasabihan (o aminado ka) na ikaw ay obese, ano nga ba ang mga ehersisyong pwede mong simulan?
Kung overweight ka na, umpisahan ang pagbabawas ng timbang sa paglalakad. Maaaring gawin ito sa loob ng inyong bahay kung ito ay may sapat na espasyo. Maaari rin namang gawin ito sa subdibisyon.
Hindi kailangang biglain ang katawan lalo’t hindi mo talaga ugaling mag-ehersisyo. Maglakad-lakad mula 10 minuto hanggang 15 minuto kada araw. Unti-unti ay dagdagan ito ng ilan pang minuto hanggang sa mabuo ang 30 minutong lakaran bawat araw.
Hindi dapat mag-alala sa bilis at pacing ng paglalakad ang mahalaga ay may ginagawa kang effort na magbawas ng tim-bang. Dapat ang goal mo rito ay consistency sa pag-eehersisyo, sa pagbabawas ng timbang.
Habang nag-eehersisyo mag-focus ka lang sa hangarin mo at huwag mong pakinggan ang sinasabi ng iba na wala kang makukuhang resulta rito. Huwag makinig sa nega.
Iwasan din ang pag-inom ng herbal tea na sinasabing nagpapapayat. Mas maiging maging natural ang pagbabawas ng timbang.
Kung walang budget huwag nang magtungo pa sa gym. Ang ibabayad mo rito ay ibili mo na lang ng mga pagkain tulad ng prutas at mga gulay. Umiwas sa sobrang kanin o mas magandang huwag nang magkanin. May mga alternatibo na-man para mabusog at maging malusog ang pangangatawan.
Pero bago gawin ang anumang exercise – kahit pa ang paglalakad – mas mabuting malaman kung healthy ka para sa physical activity. Kaya maiging magpatingin sa doktor.
352