MAS MABABANG KURYENTE SA BANSA, ISINUSULONG NG AKO OFW PARTYLIST

ISINUSULONG ng party-list group na AKO OFW ang pagpapababa ng presyo ng kuryente sa buong bansa upang mabawasan ang pasanin ng mga pamilyang hirap makapagbayad ng kanilang buwanang bill.

Ayon kay AKO OFW founder Dr. Chie Umandap, malaki ang maitutulong ng pagpapababa ng kuryente sa Pilipinas para mabawasan ang mga inaalala ng mga konsyumer sa pagbabayad ng kuryente.

Ayon sa Family Income and Expenditure Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), kumakatawan sa 8 porsyento ng gastos ng bawat pamilya sa Pilipinas ang kuryente, langis, tubig, at iba pang produktong petrolyo.

Pangatlo ito sa pinakamalaking pinagkakagastusan ng bawat pamilya, sunod sa pagkain (43 porsyento) at upa o renta (12 porsyento).

Ayon kay Dr. Umandap, ang mas mababang presyo ng kuryente hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa ay makatutulong sa mga OFW na na nagsasakripisyong mapalayo sa kanilang pamilya upang kumita at matustusan lamang ang kanilang mga pangangailangan.

“I’ve been advocating for hospitalizations benefits, pension plans, and livelihood programs for our OFWs and I find it very important to help them in other aspects that will make their sacrifices even more worth it,” aniya.

Kinwestyon din ni Dr. Umandap ang malaking diperensya ng presyo ng kuryente sa bansa.

Base sa isang news report, ilang residente sa Iligan City ang nagrereklamo dahil sa higit P12 kada kilowatt hour (kWh) na presyo ng kuryente sa kanilang lugar. Sa Metro Manila, nasa P9.65 kada kWh ang average na singil, at sa Misamis Occidental na nasa P13 hanggang P14 kada kWh.

“We have a Metro Manila-centric perspective on electricity rates, when in fact, people in the metro were paying less compared to those living in other parts of the country,” dagdag niya.

Ang kuryente sa Metro Manila at ilang karatig-probinsya ay sineserbisyuhan ng Manila Electric Company (Meralco), ang pinakamalaking distribyutor ng kuryente sa bansa.

Samantala, ang Visayas naman ay sineserbisyuhan ng Visayan Electric Company (VECO) at ilang mga electric cooperative (VECO), at ng Davao Light and Power Company at iba pang kooperatiba para sa Mindanao.

Kumpara sa ibang distribyutor ng kuryente, nananatiling mas mababa sa P10 kada kWh ang karaniwang presyo ng kuryente ng Meralco.

“If customers of Meralco are paying below P10 per kWh, then it would really help if other distributors in the country will also work to lower the rates, without compromising the quality of service that they deliver to customers,” ayon kay Dr. Umandap.

Base sa pinakahuling datos ng PSA, nasa 8 porsyento ng OFW ang nakatira sa National Capital Region, 54
porsyento sa ibang mga bahagi ng Luzon, 21 porsyento sa Mindanao, at 17 porsyento sa Visayas. ###

161

Related posts

Leave a Comment