Makikita sa larawan ang mga tauhan ng Meralco habang nagsasagawa ng malakihang maintenance project na nakakasakop sa sampung (10) barangay sa lungsod ng Pasay. Bahagi ang proyektong ito ng kanilang grid resiliency at storm-hardening program na naglalayong mapabuti ang system reliability at service delivery ng Meralco. 121 na mga line crew ang nag install ng 9.3 kilometrong covered conductors, overhead shield wires, at nag palit ng mga poste. Tuluy-tuloy sa pagta-trabaho ang Meralco at ang mga subsidiaries nito upang palakasin ang distribution system nito para makapag-hatid ng ligtas, sapat, maaasahan, at sustainable na serbisyo ng kuryente sa higit na 7.5 milyong mga customer nito.
