MGA PARAAN PARA BUMANGO ANG BAHAY

ESSENTIAL SMELL DIFFUSERS

Ang isang paraan para maging mabango ang bawat kuwarto ng bahay ay hayaang maging bukas ang mga bintana nito nang pansamantala upang ang hindi kaaya-ayang amoy ay makalabas muna at ang fresh air ay makapasok.

Pero ang naturang suhestiyon ay hindi rin naman laging maaasahan.

Para sa kaligtasan ng ating kalusugan ay iwas din naman tayo para makaiwas tayo sa mga synthetic scent na maraming mga kemikal. At upang iwasan ito ay mayroon namang opsyon para rito gaya ng mga sumusunod…

– ESSENTIAL SMELL DIFFUSERS. Lagyan lamang ito ng tubig at patakan ng ilang beses ng essential oils.

– SCENTED CLEANING VINEGAR. Pwede rito ang lemon scented vinegar para sa paglilinis. Gumamit lamang ng white vinegar, lagayan, balat ng citrus fruits tulad ng oranges, lemons, limes, grapefruits at pwede ring lagyan ng herbs. Ilagay lahat ng balat at isunod ang herbs sa isang maliit na pan, ilagay ang suka at painitan ito nang bahagya. Hayaang lumamig at iwan nang magdamag at pwede nang ipanglinis ito.

– CINNAMON AND GINGER. Magpakulo ng luya na sinamahan ng ginger. Kapag lumamig na ay isalin sa open jar. Huwag itong takpan upang sumingaw lamang ang masarap at mabangong amoy nito sa bahay.

486

Related posts

Leave a Comment