NALUGMOK NOONG PANDEMYA, ISANG MANANAHI MULA TAYTAY RIZAL, IBINANGON NG LOTTO

In Photo| Atty. Anna Katrina Nicole C. Contacto, Executive Assistant VI, representing PCSO General Manager Melquiades A. Robles takes a photo opportunity with the lucky  Megalotto 6/45 Jackpot winner.

Ika – 7 ng Nobyembre. Isang mananahi mula Taytay, Rizal ang nagtungo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweeptakes Office upang kubrahin ang jackpot prize na nagkakahalagang P21,436,089.60 sa nagdaang Megalotto 6/45 draw noong ika-4 ng Nobyembre, 2022 na may kombinasyon na 16-13-02-19-11-07.

Di maipaliwanag ng ginang nang personal na iniabot ni Atty. Anna Katrina Nicole C. Contacto, Executive Assistant VI, kinatawan ni PCSO General Manager Melquiades A. Robles, ang tseke na naglalaman ng kanyang napanalunan. “Nang makita ko po sa post ng PCSO Facebook Page na nanalo ang aking numero ay hindi na po ako nakapagsalita, pinapagpapawisan na ako ng malamig at mangiyak ngiyak po ako sa tuwa. Halos ganyan po ang nangyari sa akin sa loob ng dalawang araw. Nasa 15 taon na po akong tumatangkilik sa lotto. Sa nakaraang 9 na buwan napagpasyahan ko po na tayaang numero ang edad ng aking mga anak at sa hindi po inaasahang pagkakataon nakamit ko po ang aking pinapangarap,” saad ng 39 taong gulang na.

Sa isang panayam nabatid na ang ginang ay mayroong negosyong patahian ngunit nalugi ito dahil ng pandemya. “Dati rati ay may sarili po akong pwesto, bumagsak po ang negosyo kong patahian dahil sa pandemya. Nagsabay sabay po ang dagok sa aking buhay noong panahong iyon. Nabenta po ang aming bahay upang maibayad sa utang, ngayon po ay nangungupahan kami sa isang maliit na barung barong. Dagdag pa ang pagkaopera ng aking anak sa kidney. Kayat itinuturing ko po ang pagkapanalo ko sa lotto na sagot sa lahat ng naging kahilingan ko sa Panginoon,” dagdag ng bagong milyonaryo.

 

Laking pasasalamat naman ng bagong winner sa natanggap niyang premyo at mukhang planado na kung ano ang kanyang gagawin sa napanalunan. “Lubos po akong nagpapasalamat sa PCSO lalo’t higit sa Poong Maykapal sa pagdinig ng aking panalangin. Dahil dito, sigurado akong makakabangon kaming muli sa pagkalugi. Ipapatayo ko na muli ang aking patahian. Maraming Salamat po ulit.”

 

Hinikayat naman niya ang publiko na patuloy na tumangkilik sa mga laro ng PCSO. “Nang bumagsak ang aming negosyo doon mas lalo akong nagpatuloy sa pagtangkilik ng lotto. Umasa ako na kapag nanalo ako makakabangon kami. Kaya payo ko lang sa ating mga kababayan, ay wag lang tayo mawalan ng pag – asa dahil hindi natin alam kung kalian ito ipagkakaloob sa atin.”

205

Related posts

Leave a Comment