NATIONAL BREASTFEEDING MONTH IPINAGDIRIWANG

Ipinagdiriwang sa buong bansa ngayong buwan ng Agusto 2024 ang National Breastfeeding Month o Breastfeeding Awareness Month na may temang, “Nourish, Sustain, Thrive.”

Ayon kay Luz Tagunicar, RND, MPH Supervising Health Program Office, Department of Health Disease Prevention and Control Bureau, ang “breast is best” para sa mga bata, anumang dami ng oras ng breastfeeding, madali man ay mahalaga ito sa baby na ito ay palaging tamang temperatura.

Banggit pa niya, na ang breastfeeding ay isang natural ngunit natutong kumilos.

Idinagdag pa niya na lahat ng nanay ay maaaring mag-pasuso na may sapat na suporta mula sa kanilang pamilya, pinagkakatiwalaang mga propesyonal sa kalusugan, mga kapantay, mga grupo ng suporta sa pagpapasuso.

Anya, kaya naman ang mga health workers, community volunteers, nanay at buong komunidad ay nararapat na magsama-sama para protektahan at suportahan ang mga kababaihan upang maitaguyod ang pagpapasuso.

“Together, let us build a better future by bridging the gap and supporting to ensure that all infants receive breast milk,” tinuran pa ni Tagunicar.

Ang National Breastfeeding Month o Breastfeeding Awareness Month ay nagsimulang ipagdiriwang mula Agusto 1 hanggang 31, 2024.

Pinagtibay ito sa pamamagitan ng Republic Act No. 10028, na kilala rin bilang ang Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009, na ipinagdiriwang kada taon bilang Breastfeeding Awareness Month.

Layunin ng pagdiriwang upang mapataas ang kaalaman sa kahalagahan at para isulong pa pagpapasuso sa buong bansa. (Joel O. Amongo)

48

Related posts

Leave a Comment