ORGANZA SHEATH WEDDING DRESS ROMANCE AND SOPHISTICATION

Popular ang June para magpakasal ang nagmamahalang couples at hanggang ngayon ay common pa rin ito.

Napiling buwan ang June para magpakasal dahil ito ay mula sa Greek Mythology kung saan ang goddess na si Juno (dito nagmula ang salitang June) ay protector ng mga kababaihan, partikular sa kasal at pagbubuntis.

ORGANZA FABRIC

Ang organza sheath ay isa lamang sa pinakapopular na wedding dress fabrics.

Ang organza, ay isang sheer, lightweight woven fabric na traditionally ay gawa sa silk. Mas structured ito kumpara sa chiffon drapes at mas delikado rin sa mga nisnis o pagka-run nito. Popular din ito sa evening fashions kahit ano pa ang okasyon.

Ang klase ng organza ay mula crystal, mirror, sparkled, silk, at embroidered.

Ang organza sheath wedding dresses tulad ng likha ng British designer na si Jenny Packham ay popular sa ganda at kalidad.

Sa brides, romance and sophistication ang nirarampa kapag suot ang organza sheath wedding dresses.

Maraming brides ang pumipili sa organza sheath wedding dress dahil mas classic ito at talagang eleganteng tingnan. Kung hindi naman makahanap ng kilalang bridal designers, maaari namang makabili nito na yari na at pwede rin namang magpasadya na ayon sa gusto ng bride.

Kailangang masabayan din ng magagandang klase ng wedding accessories ang ganitong uri ng damit mula sa wedding headpiece, bracelets o arm chains, shoes, at ang finishing touch na wedding bouquet.

WEDDING GUEST FASHION ETIQUETTE

Maging formal ang suot at sundin ang dress code na ni-request ng wedding couple.

Kung wala ka namang ganap sa kasal o mismong wedding entourage, huwag na huwag mong talbugan ang pinakabida sa okasyon lalo na ang bride.

Iwasan ang magsuot ng puti o itim o anumang kulay na napili ng bride at groom maliban na lamang kung hiniling ng mga ito na pumares talaga sa kulay nila. Moment nila ito na dapat nilang i-cherish.     (ANN ESTERNON)

149

Related posts

Leave a Comment