PANATILIHING SAFE ANG BAHAY NGAYONG HOLIDAY SEASON

ASO-2

Tiyak naman na hindi lahat sa atin ay maglalagi o mananatili sa bahay ngayong holiday season. Bagkus ay mas gugustuhin pang mamasyal at magbabad sa iba’t ibang mall o sasadya sa mga bahay ng mga kamag-anakan, kaibigan o kakilala.

Sa ganitong panahon din, hindi tayo dapat magpabaya at kailangang maging responsable at alerto pa rin tayo sa nagaganap sa ating mga kabahayan. Huwag nating ilipad ang ating mga isip at kaligtaan ang bagay na ito kaysa magsisi tayo sa huli.

Ito ang mga dapat nating isagawa para malayo ang ating mga tirahan sa anumang uri ng panganib.

– Palaging suriin ang bahay sa tuwing aalis, itsek ang mga pinto nito nang dalawang beses upang matiyak na walang mapagsamantalang papasok dito. Makabubuting mag-invest sa home security system. Mahalaga ito para gulo o abala.

– Huwag ipaalam sa ibang tao na hindi mapagkakatiwalaan at huwag ding banggitin “in public” sa social media na kayo ay magpupunta sa ibang lugar at iiwan ang bahay.

– Ipagkatiwala lamang ang inyong bahay sa kapitbahay na tunay na maaasahan at hindi manloloko sa inyo.

– Maglagay, paganahin o itsek mabuti kung maayos ang closed-circuit television o CCTV sa inyong bahay. Mas maiging kung nakapuwesto ito sa harapan ng bahay o kung saan malapit sa entrance o backdoor. Maigi ring kung nakatago ang CCTV upang hindi masira ng sinumang magtatangkang pumasok sa inyong bahay. Siguraduhin ding may koneksyon ito sa inyong gadgets partikular sa inyong mga mobile phone o tablet.

– Ihanda maigi ang asong magiging bantay ng inyong bahay. Kung hindi maiiwasang dalhin ang mga alagang aso sa inyong pag-alis ay siguraduhin na lamang na may nakahandang mga pagkain at tubig ng aso sa may bandang unahan o likuran ng bahay. Paraan ito para malaman (kahit kunwari) ng iba na may aso kayo sa loob ng bahay.

– Huwag iwanang nakatali ang mga kurtina o iwang nakataas ang inyong window blinds.

– Kung mayroon kayong garahe o garden, maiging mag-iwan ng isang pares ng gloves dito upang akalaing may taong naririto at magdalawang isip ang mga magnanakaw na pumasok sa inyong bahay.

276

Related posts

Leave a Comment