Para magtulungan sa mga programa SOGO, NCIP NAGPIRMAHAN NG MOU

Nagkaroon ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng SOGO Hotel at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para magtulungan sa mga programang makatutulong sa mga Pilipino.

Kabilang sa mga kasama sa nasabing pirmahan ng MOU ay sina Ms. Maria Suzette Geminiano, Marketing Head ng Hotel SOGO; Ms. Anna Mariel Quinto, Adverstising & Promotion Manager, Hotel SOGO; Hon. Jennifer Pia Sibug-Las, Chairperson NCIP at Mr. Mervyn Espadero, Executive Director NCIP.

Ang kasunduan ay isinagawa sa Eurotel North EDSA, Quezon City noong Oktubre 18, 2024 na dinaluhan ng ibat-ibang personalidad mula Hotel SOGO, NCIP, media, vloggers at onliners.

Sa panayam ng SAKSINGAYON kay Ms. Geminiano ay sinabi niya na kabilang sa mga nilalaman ng MOU ay pagtulong sa Indigenous Peoples (IPs), pagkakaroon ng medical mission at iba pang pangangailangan ng mga katutubo ay nakahanda silang tumugon.

Binanggit din ni Ms. Geminiano na simula nang magkaroon ng MOU sila sa pagitan ng NCIP ay magiging official hotel na ng IPs ang SOGO.

Ang Hotel SOGO ay mayroon nang 50 branches sa buong bansa na nakahandang magserbisyo sa mga Pilipino.

Pinasalamatan naman ni NCIP Chairperson Sibug-Las ang Hotel SOGO dahil ang matagal niyang pangarap na magkaroon ng pagtutulungan nila sa mga programa ay nagkaroon na ng katuparan.

Kasabay sa pinasalamatan ni Sibug-Las ay ang media, vloggers at onliners dahil sa walang sawang suporta sa kanilang tanggapan (NCIP) sa pamamagitan ng mga impormasyon at kaalaman na dapat iparating sa mga katutubo sa buong kapuluan.

Inihayag din ni Sibug-Las na hindi na bago sa kanya ang mga magagandang programa ng Hotel SOGO dahil minsan ay naging opisyal siya nito bago siyang napasok sa NCIP bilang chairperson.

Kasama rin sa MOU ay ang joint medical mission ng Hotel SOGO at NCIP at donations drives na matagal nang ginagawa ng nasabing hotel.

Dahil dito, inaasahan na mas marami pang mga katutubo ang matutulungan sa buong bansa. (Joel O. Amongo)

71

Related posts

Leave a Comment