Pelikulang ‘Mallari’ nais siraan?

May umugong na ingay sa nalalapit na Metro Manila Film Festiva (MMFF) nitong Linggo na kung saan tila na-ugnay ang MMFF jury chairman na si filmmaker Chito Roño.

Sa isang kumalat na text message, nakatanggap di umano ang mga miembro ng MMFF entry na “Mallari” na pinagbibidahan ng beterano at mahusay na actor na si Piolo Pascual.

Ayon sa anonymous text message sender, si Roño daw ay kritikong binansagan ang “Mallari” na “DREADFUL! ANG PANGIT NG MALLARI AT PINAKPANGIT NA ACTING NI PIOLO” habang nag-i-i-screening ang iba pang entries ng mga MMFF jurors.

Inalmahan naman ito ng ilang jurors, na bakit daw kasi kailangan mag-comment agad ng chairman (Roño) after mapanood na dapat sa deliberation nya ginawa.

Ayon din dito, parang nais i-influence ni Roño ang mga jurors at sinabi na dapat daw mag isa na lang sya nanood at nag-judge mag-isa na rin.

Nang tanungin si Roño tungkol sa alegasyon, ikinaila nito at sinabing di pa niya napapanood.

Mabilis kumalat sa mga netizens na tila demolition job ang nangyayari sa kabila na ito ay inaasahan hahatak ng malaking benta sa darating na MMFF.

167

Related posts

Leave a Comment