RAMADAN: PINAKABANAL NA BUWAN SA MGA MUSLIM

RAMADAN

Noong nakaraang buwan, sa bisa ng Proclamation No. 729 ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na regular holiday kahapon (June 5) bilang pagbibigay daan sa pagkilala at selebrasyon ng pagtatapos ng Ramadan o Eid’l Fitr.

Ang Eid’l Fitr ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo tatlong araw matapos ang isang buwang (o 29 araw) pag-aayuno sa panahon ng Ramadan.

Ang Ramadan ay ang pinakabanal na buwan sa buong taon para sa mga Muslim. Dito, ang Koran (Qur’an) na banal na aklat ng Islam ay ibinahagi sa propetang Muhammad.

Si Muhammad ay naglakbay ng malayo mula Mecca papuntang Medina.

May limang pillars ang Islam na siyang isinasapuso ng bawat Muslim. Ang mga ito ay ang Sawm na pag-aayuno o fasting, Shahadah o declaration of faith, Salat o pagdarasal ng limang beses sa loob ng isang araw, Zakat o alms giving, at Hajj o pilgrimage patungong Mecca.

Ang Ramadan ay ang ika-siyam na buwan ng kalendaryong base sa galaw ng buwan. Ito ang buwan kung saan ang obligadong pag-aayuno ay naitagubilin.

Sa mga kapatid nating Muslim ang eid ay isang kasayahan o pagdiriwang. Ang mga Muslim ay nagdiriwang ng dalawang pangrelihiyong kasayahan, kilala ito sa tawag na Eid-ul-Fitr (nangyayari pagkatapos ng Ramadan) at Eid-ul-Adha (nangyayari sa tuwing panahon ng Hajj, ito ang pagtu­ngo sa banal na Tahanan ng Allah upang isagawa ang mga ritwal).

Ang mga kapatid nating Muslim ay patuloy sa kanilang araw-araw na pamumuhay kahit na may pag-aayuno dahil dito nasusubok ang kanilang pasensya.

Ang pag-aayuno ay hindi lamang isang pisikal na ritwal kung hindi ito ay panahon din ng pagninilay-nilay.

May sinusunod ding mga pagkain ang mga Muslim sa ganitong okasyon.

Mga pagkain

Ang mga Muslim ay may mga partikular na pagkain lamang sa ganitong uri nilang selebrasyon. Maaaring ibigay ang pangunahing pagkain sa pagdiriwang. Sa panahon noon ng Propeta, mga datiles, barley, trigo, olive, pasas, at tuyong yogurt ang karaniwang pagkain nila. Sa henerasyon ngayon, ang bigas, beans, patatas, pasta, keso, ang mga karaniwang kinakain ng mga Muslim.    (ANN ESTERNON)

 

576

Related posts

Leave a Comment