RCGH, KATUWANG ANG MGA PRIBADONG KUMPANYA SA PAGSUSULONG NG KANILANG BASIC EDUCATION AREA OF FOCUS PROJECT.

PINASINAYAAN na ang bagong state of the art IT room sa Nicanor Ibuna Elem. School sa San Juan sa pangunguna ni Mayor Francis Zamora.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan ng Rotary Club of Greenhills na pinamumunuan ng Imaginative Amazing Treasure President Carol Ranillo-Zarragoza, sa pakikipagtulungan sa dalawang main sponsors na nag donate ng makabagong kagamitan sa paaralan, ang Poweredge and Infosoft, sa pangunguna ni Mr. Joris Spanhoff.

Naging bahagi din sa pagsusulong ng proyektong ito ang ilang mga kumpanya tulad ng TCN Interior Solutions, Morfosis, Diamond, Bridgewith Inc., Dynalab Corp. at Elie Quial Studio para maging matagumpay ito.

Sa unang pagkakataon, ang paaralan ng Nicanor Ibuna Elem. School ay may fully functional state of the art IT room na may mga computer at UPS na magagamit ng mga estudyante

33

Related posts

Leave a Comment