RECYCLED MATERIALS BILANG PAMBALOT NG MGA REGALO

PAMBALOT NG REGALO

Ngayong panahon ng Kapaskuhan, may mga abala na sa atin sa pagbabalut-balot ng mga panregalo.

Ang mga pambalot sa regalo ay isang bagay din na dapat ikonsidera lalo’t may pagpapahalaga tayo rito o sa mga taomg pagbibigyan.

Ang isang recycled paper gaya ng newspaper ay maganda ring pambalot kung tutuusin. Para maging maganda ang presentasyon ay lagyan ito ng eleganteng ribbons.

Maaari rin namang gumamit ng maninipis at recycled ding tela bilang pambalot ng mga regalo. Piliin lamang ang mga kulay na akma sa Christmas season. Pupwede rin ang mga satin na tela para rito na kulay red, gold o green.

May dating din siyempre ang paggamit ng sinamay gift wrapper, ternohan din ito ng magagandang klase ng ribbons.

392

Related posts

Leave a Comment