REMEDYO SA DRY SKIN

DRY SKIN

Kapag hindi panahon ng tag-init, pwedeng maging dry ang a­ting balat.

Pero anoman ang panahon, may remedyo sakaling maging dry ang skin natin. Hindi rin uub­ra ang year-round routine para sa dry skin, kaya kailangan ay may adjustment o pagbabagong gagawin.

Kapag hindi nagawa ang adjustment sa skin care, ang dry air ay maaaring maging daan sa pagkakaroon ng fine lines at wrinkles na mas nagiging obvious. Kapag tayo ay may dry skin, ito ay posib­leng mangati, magkaroon ng flakes, crack, at magdugo.

Ayon sa dermatologists, ito ang mga dapat gawin para maiwasan ang dry skin:

shower1. Sa pagligo o pag-shower dapat tiyakin na:

* Sarado ang pinto ng bathroom door

* Limitahan lang ang itatagal sa banyo, sapat na ang 5 minutes hanggang 10 minutes

* Dapat ay warm lang ang tubig at hindi mainit

* Gumamit ng fragrance-free cleanser sa paglinis ng katawan

* Sapat na dami lang ng cleanser ang ilagay para mawala ang dumi at oil sa balat. Iwasan ang thick lather dahil mas magiging prone lang ang balat sa pagka-dry nito

* I-blot ang skin nang marahan gamit ang malinis na towel

* Matapos na mapatuyo ang balat, agad na maglagay ng moisturizer

face moisturizer2. Maglagay agad ng moistu­rizer matapos na maligo o mag-shower. Ang ointments, creams, at lotions (moisturizers) ay effective dahil nata-trap ang existing moisture sa skin. Para ma-trap ang much-needed moisture, kailangang mag-apply ng moisturizer within few minutes of:

* Drying off matapos mag-shower o maligo

* Matapos na mag-wash ng mukha at mga kamay

3. Gumamit ng ointment o cream kaysa sa lotion. Ang ointments at creams ay mas effective at less irritating kumpara sa lotions. Hanapin ang cream or ointment na may oil gaya ng olive oil o jojoba oil. Ang shea butter ay maganda rin sa balat. Ang ibang ingredients na nakatutulong para ma-soothe ang dry skin ay kinabibilangan ng lactic acid, urea, hyaluronic acid, dimethicone, glycerin, lanolin, mineral oil, and petrolatum.

Tip: Palaging magdala ng non-greasy hand cream, at mag-apply nito matapos ang bawat pag­huhugas ng mga kamay. Makatutulong ito para malabanan agad ang panunuyot ng balat.

4. Gumamit ng lip balm. Gumamit ng lip balm na magiging komportable sa iyong mga labi. Ang ibang healing lip balms kasi ay maaaring maka-irritate ng mga labi. Kapag ang mga labi ay nakaramdam ng pamamaso (sting o tigle) matapos maglagay ng lip balm, magpalit agad ng ibang brand.

5. Gumamit lamang ng gentle, unscented skin care products para maging safe ang balat. Marami kasi sa merkado ngayon na mga skin care product na masyadong harsh para sa dry, sensitive skin. Kapag ang skin ay dry, iwasan ang gumamit ng mga sumusunod:

* Deodorant soaps

* Skin care products na may alcohol, fragrance, retinoids, o alpha-hydroxy acid (AHA)

Ang pag-iwas sa mga produktong ito ay makatutulong para ma-retain ang natural oils ng a­ting balat.

6. Gumamit ng gloves. Ang ating mga kamay ay ang unang napapansin na dry. Maiiwasan natin ang dry, draw skin sa pagsuot ng gloves. Siguraduhing gumamit nito bago:

* Lumabas lalo na kapag malamig ang panahon

* Magsagawa ng anumang tasks na nagre-require na basain ang mga kamay

* Humawak ng chemicals, greases, at iba pang substances sa inyong mga kamay

7. Gumamit lamang ng mga damit na non-irritating at laundry detergent. Kapag kasi dry and raw ang ating balat ang damit at ang detergent na ginamit dito ay maaaring maging irritating. Para maiwasan ito:

* Magsuot ng cotton o silk under your clothing na gawa sa wool o iba pang material that feels rough

* Gumamit ng laundry detergent na ang labeled ay “hypoallergenic”

8. Stay warm pero umiwas sa heat source gaya ng direktang tapat sa araw, fireplace at iba pa. Ang paglagi sa open flame o sa initan ay nakaka-dry ng balat.

humidifier9. Add moisture to the air. Kailangang mag-plug ng isang humidifier. Kapag kayang i-check ang home heating system, tingnan kung may humidifier on the system — at kung ito ay gu­magana.

Kailan dapat magpatingin sa dermatologist?

Kapag nagagawa mo na ang binanggit na remedyo sa pagkakaroon ng tuyong balat, dapat ay makaramdam ka na komportable ito kapag hindi pa ay humingi ng tulong sa dermatologist. Ang sobrang dry ng skin ay maaaring ma­ngailangan ng prescription ointment o cream. Ang dry skin ay maaaring maging isang senyales ng skin condition na kailangang magamot.27

44

Related posts

Leave a Comment