RIGHT SHOES, RIGHT STYLE

SHOES-3

Isang instant mood lifter para sa iba ang makabili ng isang pares ng sapatos. Effective iyan lalo na sa mga taong mahilig talaga sa mga sapatos. Pero ang pagpili at pagbili ng mga sapatos ay hindi dapat daanin sa basta-basta.

Ayon sa fashion world, dapat ay mayroon tayong ibat ibang uri ng mga sapatos na isinusuot at ito ay hindi dahil sa pamporma lamang.

Ang pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng sapatos ay nagiging daan din upang maiwasan ang pananakit ng mga paa at maging komportable kang gumalaw batay sa lugar o okasyon na naroon ka.

Sa pagbili ng sapatos mayroon ka ring dapat na ikinokonsidera gaya ng mga sumusunod:

1. Wear confidence

Kahit pa love na love mo ang sapatos mula sa kulay, disenyo o istilo nito, laging isipin na kung hindi mo ito mailakad nang maayos ay huwag mo itong bilihin. Kung may heels ang sapatos mo pero hirap na hirap kang ilakad ito o parang iika-ika ay iwan mo na lang ito sa shelf ng store.

2. Balance your style

Kung porma talaga ang gusto mo, choose one attention getter para hindi naman maging OA ang pananamit mo. Halimbawa nito, kapag ang suot mo na ay over-the-top dress, dapat ay toned down na ang sapatos mo. But if your look is low-key, ang pagsusuot ng standout shoe ang mag-dadala sa overall mong porma.

3. Wear what’s appropriate

Maging maingat sa pagsuot ng open-toe sandals dahil mas binabagayan nito ang mga conserva-tive suit habang ang flat ay sobrang casual naman para sa cocktail frock. Ang sneakers ay dapat lamang na ibagay sa gym clothes o casual jeans.

4. No stilettos when going outdoors

Hindi naman yata tama na may outdoor activities ka at magtatagal ka rito na suot ang sexy stilet-tos mo. Nakakapagod at stressful ang pagsuot ng heels lalo na kung paroo’t parito ang lakad mo o kung hindi required sa iyo na umupo nang matagal. Mahirap na ring matapilok.

Okay lang din naman mag flat, but if you want height, ideal option ang pagsuot ng wedges.

5. Make a statement

Hindi mo naman kailangan maging sexy ang itsura palagi lalo na kung alam mong hindi ka naman confi-dent para rito. Pero pagdating sa sapatos, isang option to make a statement is to look cute. Hindi mo carry ang stiletto? May heels namang hindi kataasan o may enough size lang ng takong pero cute ang straps nito na siyang magdadala sa iyong getup gaya ng heel boots.

329

Related posts

Leave a Comment