Sa TEVES CARES Aksyon Tulong Solusyon Umarangkada na nationwide

Nagsimula nang umarangkada sa buong bansa ang Teves Cares Aksyon Tulong Solusyon ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnie Teves.

Sa Live Raffle TONIGHT LANGGA! sa facebook ni Cong. Teves sa loob ng nakalipas na apat araw, as of 10:00AM, August 01, 2022, ay nakapagtala na ito ng 9.3k 15k comments at 3.1k shares.

Ang Live Raffle ni Teves ay tinangkilik ng mga Pilipino mula sa ibat-ibang dako ng bansa.

Kabilang na rito, ay ang live na nakau- sap mismo ni Cong. Teves si Sharlene Longino ng Brgy. Naguirayan, bayan ng Pidigan, Abra.

Si Longino ay isa sa naapektuhan ng 7.0 magnitude kamakailan na nakasira sa kanilang bahay sa nabanggit na ba- rangay.

Sa live na pagtatanong ni Cong. Teves kay Longino sinabi nito na nagkakab- itak-bitak ang kanilang bahay dulot ng tumamang lindol sa kanila.

Nang tanungin ni Teves si Longino kung ano ang kanyang pwedeng maitu- long sa kanila ay hindi siya direktang na- kapagsabi sa kongresista kung ano ang kanilang hihingin tulong dahil sa trauma na inabot nila nang tumama ang lindol.

Kung kayat si Cong. Teves na mismo ang nagsabi kay Longino na dahil nagk- abitak-bitak ang mga pader ng kanilang bahay ay sagot niya na ang 50 bags ng semento ng huli para maipagawa nila ang kanilang tirahan.

Pagsamantalahan nakatira ang pamilya ni Longino sa tulda sa harapan ng kanilang bahay matapos na magkabitakbitak ang pader nito dulot ng katatapos na lindol.

Sa patuloy na pagla-Live Raffle ni Cong. Teves ay marami rin ang nanalo ng limang libong (P5K) na nagmula sa kanyang sariling pera.

Pagkakalooban din ni Cong. Teves ng 50 bags ng semento si Leah Tabuyo Calaiti ng Caluutit, Sto Doomingo, Ilocos Sur.

Magpapadala rin ng 1,000 gallons ng mineral water sa munisipyo ng Bangued, Abra matapos na hilingin ni NDDRMC, Usec Ricardo Jalad.

Nangako rin si Cong. Teves sa mga guro ng Bangued, Abra sa pamamagitan ng Parents and Teachers United Advocates Association (PTUAAP Inc.) ng 300 food packs at susundan ng semento.

Nakikipagtulong na rin ang tanggapan ni Cong. Teves sa DSWD Abra para sa ibibigay nitong mga yero sa mga nasiraan ng bahay sa nasabing lalawigan.

Layunin ng Teves Cares AKSYON TULONG SOLUSYON! ni Cong. Teves ay para makatulong sa abot kaya, hindi lamang sa Negros Oriental kung saan kinatawan si Cong. Teves, kundi sa mga mamayang Pilipino sa buong bansa na nangangailangan ng tulong partikular ang mga tinamaan ng mga kalamidad tulad ng Abra at Ilocos Region.(JOEL O. AMONGO)

44

Related posts

Leave a Comment