SAKSINGAYON 1ST INVITATIONAL GOLF TOURNAMENT TAGUMPAY

Naging matagumpay ang isinagawang 1st Invitational Golf Tournament ng SAKSINGAYON na ginanap sa Hallow Ridge Filipinas Golf sa Narra Road, San Antonio, San Pedro, Laguna, kaninang umaga, Sabado, Abril 29, 2023.

Nasungkit ang Over All Champion ni Dondi Primicias; Class A Champion ni Mr. Nap Dagdagan; Class A Runner Up ni Mr. Jay Lumba; Class B Champion ni Mr. Sonny Union; Class B Runner Up ni Vic Vasco; Class C Champion ni Mr. Alex Morales; Class C Runner Up ni Romy Calambazi; Accuracy ni Ray John Garcia; Longest Drive ni Jay Lumba at Nearest to the Pin ni Jomar Espanola.

Si Dondi Primicias ang nag-uwi ng P50k bilang Over All Champion.

Naibulsa naman ni Mr. Nap Dagdagan, ang P30k bilang Class A Champion.

Napunta naman kay Mr. Sonny Union ang P20k, bilang Class B Champion.

Hindi naman nabigo si Mr. Alex Morales, matapos maiuwi nya ang P10k, bilang tinanghal na Class C Champion.

Bukod sa mga cash na papremyo nagbigay din ng trophies ang SAKSINGAYON sa mga nanalo.(Joel O. Amongo)

304

Related posts

Leave a Comment