Teves Cares Live, inaabangan ngayong araw

Bago sumapit ang kapaskuhan, inaabangan ng mga netizens ang Aksyon, Tulong, Solusyon Facebook live ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves ngayong gabi.

Lahat ay nag-iintay sa panibagong episode ng kasiyahan, pagtulong at payong solusyon na dala ni mambabatas maliban sa masaya at computer-generated na raffle.

Ang FB Live na ngayon ay tanyag na sa buong bansa ay nagsimula lang sa mga simpleng post ni Rep. Teves na naibigan ng mga netizens dahil anya ay napaka-natural ng mga ginagawang post ni Teves.

“Gusto ko lang po ay makapagbigay kasiyahan lalo na sa panahon ng pandemya. Kaya ng makita ko na bukod sa natutulungan natin ng konti ay inuulan ng mga magandang comment at feedbacks, eh, sabi ko ay ko na itong nationwide para mas madami ang ating mapasaya,” pahayag ni Teves, na kilala sa Negros Oriental na sadyang matulungin.

Sa mga Teves Cares: Aksyon, Tulong, Solusyon! live ng mambabatas ay tinatampok ang mga iba’t-ibang simpleng tulong sa makakayanan ang pinagkakaloob ni Cong. Teves, bukod sa pa-raffle ng cash, na kilala din bilang Kuya Cong. Teves.

“Inaanyayahan ko po kayo na manood, abangan at nawa’y isa kayo sa mapalad ng mananalo. Just like and follow my FB page, https://www.facebook.com/ArnieTevesOfficial. Nawa’y isa po kayo sa masiyahan,” pag-aanyaya ni Kuya Cong Arnie, na isa din miembro ng Philippines Eagle’s Club.

218

Related posts

Leave a Comment