PAGKATAPOS ng welcome remarks ni Ms. Margarita Moran Florendo, CCP Chairperson, sa pa-dinner noong Enero 15, 2020 para parangalan ang Cultural Center of the Philippines Founding chairman na bahagi ng selebrasyon ng 50th anniversary ng CCP, ay sinundan ito nang pagtayo na may masigabong palakpakan ng mga panauhin nang sabihin ni Miss Universe 1973 ang “Thank You, Mrs. Marcos”.
Ilang minuto rin ang naging palakpakan ng mga kaibigan ng mga Marcos. Pati na ang mga malalapit na mga kaibigan..
Isa pang pinalakpakan nang husto ay ang pahayag ng presidente ng CCP na si Arsenio J. Lizaso bago nagbigay ng panalangin si Rev. Ed Lapiz ng Day by Day Christian Ministries.
Isang masarap na hapunan ang pinagsaluhan ng pamilyang Marcos pati ang mga opisyales ng Cultural Center of the Phillipines at mga kaibigan ng mga Marcos.
Kumpleto ang mga anak ni Imelda, sina Sen. Imee Marcos, Ex-Senator Bongbong Marcos, Irene Marcos-Araneta. Andoon din ang hunk model na pao na si Borgy Manotoc at ang naging viral sa internet na si Zandro Marcos.
Maging ang amigas ni Mrs. Marcos ay dumalo rin sa pangunguna ni Mrs. Bienvenido Tantoco Jr., ang may-ari ng Rustan’s (Si Mrs. Zenaida R. Tantoco na board member din ng CCP).
Naging emosyonal ang marami nang magbigay ng kanyang talumpati si Mrs. Marcos.
“I wish to thank everyone of you here,” panimula ni Mrs. Marcos sa kanyang talumpati.
“I thank the Lord for your presence. It was years ago that Cultural Center was built, and now many years after, I have the privilege to be here to thank every one of you,” patuloy niya.
Mahaba rin ang kuwento ni Mrs. Marcos hinggil sa panahong nag-uumpisa palang ang pamumuno nilang mag-asawa.
Ayon kay Mrs. Marcos, nang itanong niya kay dating Pangulong Ferdinand Marcos kung ano ang kanyang magiging tungkulin bilang First Lady, sinabi umano ng kanyang asawa na siya ang bubuo ng tahanan para sa mga Filipino. Isang tahanan umano na bubuuin ng “pagmamahal”.
“When Ferdinand and I got married, I asked him when he became president, what is my role as First Lady. He said, “I’ll build a strong house for the Filipino People. You have to make it a home.”
“And I retracted. What makes a home?, He replied ‘Love’.”
“I imbibed that statement. Together with the true and the beautiful.”
Idiniin niyang nag-ipon siya ng pondo at nag-reclaim ng isang ektarya ng lupain. Pagkaraan, siya ay umutang ng P36 milyon at mula rito ay itinayo ang Cultural Center.
“I raised some money and reclaimed one hectare. When the reclamation was finished, I borrowed P36 million and we finished Cultural Center in so short a time.”
” I had a difficullt life. Because they thought, I was extravagant. Excessive.”–MRS. IMELDA MARCOS
Dahil umano rito ay sinampahan siya ng halos 1,000 kaso dahil simbolo umano ang Cultural Center ng kanyang pagiging magastos.
“I tell you, I had a difficult time when I built the Cultural Center. They thought the Cultural Center was the symbol of extravagance and frivolity and all that.”
“I had gotten through it. Because of Cultural Center, I had almost 1,000 cases because it was the symbol that I was extravagant. I was excessive.”
Naranasan umano niya ang patuloy na pag-uusig sa kanya. Hindi lamang ng mga indibidwal kundi maging ng gobyerno at mga maimpluwensiyang tao.
“Anyway, I have gone through a life of continuous prosecution. Not just by individuals. But by governments and superpowers.”
Ngunit sa kabila nito, nagpapasalamat siya na nalagpasan niya ang mga ito.
“Thanks God, I am almost over it. Of the Cultural Center problem. Maybe because of my commitment to the good, the true and the beautiful.”
“But I have no regrets, I suffered, yes, but deep within me, I knew the Lord is within me.”
“So today, I thank the Lord. We’re celebrating here now the 50th year of the Cultural Center.”
118