Tindero ng Isda at Drayber, Nag-uwi ng Lotto 6/42 Jackpots!

Ni: Mark Lester F. Tejada / Larawan ni: Edwin P. Lovino

Mandaluyong City – Dalawang masuwerteng manlalaro ang kumubra kamakailan sa PCSO Main Office, Mandaluyong City ng naglalakihang premyo ng magkahiwalay na Lotto 6/42 draws.

Una na rito ang isang tindero ng isda na nag-uwi ng tumataginting na P24, 684,429.00 jackpot prize matapos niyang matumbukan ang mga kumbinasyong 28-10-30-08-01-16 na binola noong October 25, 2022 sa PCSO Conservatory Building, Mandaluyong City.

In photo: PCSO Assistant General Manager for Gaming, Product and Development and Marketing Sector Arnel N. Casas (Left) handed over check worth Php24, 684,429.00 to Lotto 6/42 jackpot winner from Pasig City, Metro Manila

Batay sa kanyang salaysay, ang mga numerong kanyang tinayaan ay kumbinasyon ng mga araw ng kapanganakan niya at ng kanyang asawa. Mahigit walang taon na raw siyang tumataya sa lotto at nagbabakasakali na makamit ang suwerteng inaasam ng marami. At dumating na nga ang pagkakataon na hinihintay niya.

Nagpapasalamat ako sa PCSO sa mga pagkakataong ibinibigay nila na nakakapagpagbago ng buhay ng mga tao at sa gaya ko na sinuwerte po ngayon. Ang premyo pong nakuha ko ngayon ay mapupunta at ibabahagi ko sa aking pamilya lalo na sa mga kapatid ko. Sana marami pa kayong matulungan at sana marami ding makakuha ng swerte tulad ng nakamit ko po. Salamat PCSO.”

Nang tanungin kung saan niya gagamitin ang premyong natanggap, ani niya, “Sa ngayon, ipangpupuhunan ko muna po sa magiging bagong negosyo ko. Yung iba, itatabi ko muna po sa banko.”

Wagi rin ang isang drayber sa nakaraang Lotto 6/42 draw na binola naman noong November 8, 2022 matapos matamaan ang mga numerong 09-06-29-07-05-19 at makubra ang parte ng jackpot prize na P5,940,000.00. No more “Sana all” ika nga.

Nasa larawan: PCSO Executive Assistant VI Atty. Isidro Martin F. Reyes Jr. (kanan) habang ibinibigay ang tseke ng Lotto 6/42 jackpot prize sa nagwagi mula sa San Antonio, Zambales

Ayon sa kanya, may ilang taon na rin siyang tumataya sa Lotto at umaasa ring ito ang makakapagpabago ng buhay ng kanyang pamilya sa gitna ng pandemya. Gaya ng unang nabanggit na nagwagi, ang mga masuwerteng numero ay kumbinasyon rin ng mga kaarawan ng kanyang pamilya at mga kamag-anak.

“Thankful ako sa PCSO kasi sila ang naging daan para mabibiyaan ako ng ganitong kalaking halaga na magagamit ko para sa pag-aaral at kinabukasan ng aking mga anak. Isa po akong tricycle driver at maliit lang ang kinikita sa araw-araw kaya napakalaking tulong po nito.”

Bilang pagsunod sa RA 1169, ang mga nagwagi ay binibigyan ng isang (1) taong palugit mula sa araw ng bola upang kunin ang premyo.

Pinaaalalahanan ang lahat ng nananalo na may kaakibat na 20 percent tax ang napanalunang jackpot prize alinsunod sa TRAIN LAW.

 

38

Related posts

Leave a Comment