Umulan man o Bumagyo: PCSO, Nagtatrabaho!

Bilang pagtalima sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos dali daling inatasan ni GM Robles ang mga sangay ng PCSO, kaakibat ng mga Authorized Agent Corporations (AACs) ng ahensya, na hatiran ng tulong ang mga nasalanta ng bagyong Paeng.

Simula Sabado, ang PCSO kaagapay ang mga AACs ay namigay ng tulong sa iba’t ibang lugar na nasalanta ng bagyo. Personal ding nagtungo si PCSO General Manager Melquiades A. Robles sa San Jose, Biñan, Laguna, isa sa mga lugar na labis na naapektuhan ng nagdaang Bagyong Paeng, upang mamahagi ng tulong sa mga residente. Kasama niya si PCSO Laguna Branch Manager Lady Elaine Gatdula gayundin ang RAMLOID Corporation ang STL AAC ng lalawigan ng Laguna.

“Anuman ang kulay, aayudahan. Gaya ng palagiang sambit ng ating mahal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, sama sama tayong babangong muli,” saad ni GM Robles.

17

Related posts

Leave a Comment