Valenzuela, DA Pinangunahan ang Pagbubukas ng AMVA Kadiwa Store sa Barangay Ugong.

Pormal na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian at ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni Assistant Secretary Christine Evangelista ang Kadiwa Store ng Alyansa ng mga Mamamayan ng Valenzuela (AMVA) Multipurpose Cooperative sa Barangay Ugong noong Mayo 9, 2023.

Ang Kadiwa Store ng AMVA Multipurpose Cooperative ay nabuo sa pamamagitan ng PhP 1,000,000 financial grant na ibinigay ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita program. Ito ay naglalayong magbigay ng puhunan sa iba’t-ibang mga organisasyon gaya ng Non-Government Organizations, Kooperatiba, Asosasyon, Korporasyon, People’s Organization, o mga Homeowners’ Association na kayang magpanatili ng isang Kadiwa Store. Ang nasabing financial grant ay naglalayong magamit sa pagpapatayo ng mga Kadiwa Stores sa mga strategic na lugar, pagbili ng mga marketing equipment, at magsilbing paunang puhunan para sa nasabing tindahan.

Ang Kadiwa ni Ani at Kita program ay isang direct marketing program ng DA kung saan ang mga producers ay direktang mabibilhan ng publiko, na siyang magbibigay daan para maging mas mura ang mga pagkain at iba pang mga bilihin para sa publiko.

Ang AMVA ay isa sa iilang mga organisasyon sa lungsod na maswerteng nabigyan ng PhP 1,000,000 financial grant ng DA. ito ay naibigay noong Marso 13, 2023, higit-kumulang dalawang buwan para maitayo ang Kadiwa Store. Ang Kadiwa Store ay nagbebenta ng iba’t-ibang mga bilihin tulad ng mga gulay at gamit pang-kusina sa mas murang presyo. Ang mga miyembro ng AMVA ay makakakuha rin ng diskwento sa tindahan.

Sa tagumpay ng unang Kadiwa Store sa lungsod, ay patuloy na hinihimok ng Pamahalaang Lungsod at ng DA ang iba’t-ibang mga organisasyon sa lungsod na mag-apply sa Kadiwa program para sa patuloy na pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pamilyang Valenzuelano.

Kabilang sa mga dumalo sa pagbubukas ng Kadiwa Store ay sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Councilor Niña Lopez, Housing and Resettlement Head Ms. Elenita Reyes, Local Economic Development and Investments Promotions Office Head Ms. Annaliza Vitug, Public Employment Services Office and Cooperative Development Office Head Ms. Josephine Osea, at Punong Barangay Ed Nazar at Konseho.

32

Related posts

Leave a Comment