VEGETARIANS: MAS HEALTHY AT MAS MAHABA ANG BUHAY

VEGETARIANS

Ang vegetarianism ay tumutukoy sa pagkain ng mga gulay o halaman (plant-based diets) na hindi kakailanganin ng pagkain ng dairy products o mga itlog.

Ito rin ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga pagkaing karne o mula sa mga hayop. Kabilang din dito ang hindi pagkain ng mga processed food o ang napakapangkaraniwang mga de-lata, iba’t ibang sausages o hotdogs.

Marami sa mga vegetarian na iniiwasan ang pagkain ng mga pagkaing mula sa mga hayop bilang respeto sa “sentient” life. Ito ay dahil ang mga ayaw sa ganitong uri ng pagkain ay iba ang kanilang religious beliefs o nakasuporta sila sa animal rights advocacy. Samantala marami rin naman ang vegetarians sa dahilang hindi nila kayang bumili rin ng meat products.

Ayon sa mga eksperto, ang tama o appropriately planned vegetarian diets, kabilang ang total vegetarian o vegan diets, ay mga healthful, nutritionally adequate, at maaaring magbigay talaga ng health benefits bilang prevention at treatment sa iba’t ibang klase ng mga sakit.

Ang sinasabing “appropriately planned” ay isang operative term. Maliban na lang kung sinusunod mo ang recommended guidelines on nutrition, fat consumption, at weight control, ang pagi­ging isang vegetarian ay hindi kinakailangang maging maganda o maayos para sa iyo. Ang isang diet tulad ng soda, cheese pizza, at candy, ay matatawag talaga na technically “vegetarian.” Para sa kalusugan, mahalagang masiguro na makakain ka ng wide variety ng fruits, vegetables, at whole grains. Siyempre mahalaga rin na mapalitan ang saturated at trans fats with good fats, ang mga ito ay makikita sa mga mani, olive oil, at canola oil. Dapat ding tandaan na kapag marami tayong nakokonsuming calories, kahit ito ay mula sa nutritious na mga pagkain, low-fat, plant-based foods, ang mga ito pa rin ay magdaragdag ng kaukulang timbang sa atin. Kaya mas mahalaga pa ring may practice tayo sa portion control, read food labels, at hindi naman dapat mawala sa atin ang regular physical activities.

Marami kang pwedeng makuhang mga benepisyo sa pagiging vegetarian without going all the way. Halimbawa nito, ang isang Mediterranean eating pattern — na sinasabi at napatunayang associated with longer life at na­kababa ng peligro sa pagkakaroon ng iba’t ibang klase ng chronic illnesses — tinatampok kasi nito na mabigyan ng emphasis ang plant foods kaysa kumain ng mga karne na may dalang panganib. Kahit pa hindi mo nais na maging isang complete vegetarian, pwede pa rin naman kumain ng pagkain na nahahanay pa rin sa ganoong klase na may halong kaunting at simpleng substitutions, gaya ng plant-based sources ng protein — beans o tofu, halimbawa — o mga isda sa halip na karne ilang beses sa loob ng isang linggo.

Ayon pa sa eksperto, kung tutuusin nasa iyo naman iyan, you can decide whether a vegetarian diet is right for you. Kung ang pakay mo ay better health bilang iyong goal, iyan ang mga bagay na iyong dapat na ikonsidera.

IBA’T IBANG KLASE NG VEGETARIANS

Strictly speaking, ang mga vegetarian ay ang mga taong hindi kumakain ng mga karne, mga manok, o seafood. Pero ang mga taong maraming iba’t ibang dietary patterns ay tinatawag nila ang kanilang mga sarili bilang vegetarians pa rin gaya ng mga sumusunod:

Vegans (total vegetarians): ito ang mga taong sadyang hindi nakain ng mga karne, isda, o anumang mga produktong nanggaling sa mga hayop, kabilang diyan ang mga itlog, at gelatin.

Lacto-ovo vegetarians: ito ay mga taong hindi rin kumakain ng mga karne, manok, o isda pero nakain ng mga itlog at dairy products.

Lacto vegeta­rians: ayaw sa mga pagkain tulad ng karne, manok, isda, mga itlog, pero kumukonsumo ng dairy products.

Ovo vegetarians: ayaw din ng mga taong ito ang anumang klase rin ng karne, manok, isda o anumang dairy products pero nakain ng itlog.

Partial vegetarians: iniiwasan nito ang mga karne pero maaaring kumain ng isda (pesco-vegetarian, pescatarian) o manok (pollo-vegetarian).

Kapag vegetarian ba ay naiiwas na sa malalang sakit?

Maaari. Kumpara sa pagkain ng mga karne.

Ang mga vegetarian ay nakakaiwas o bawas sila sa saturated fat at cholesterol at mas nakukuha nila ang more vitamins C at E, dietary fiber, folic acid, potassium, magnesium, at phytochemicals (plant chemicals), tulad ng carotenoids at flavonoids. Bilang resulta, mas naroong mababa ang kanilang LDL (bad) cholesterol, lower blood pressure, at lower body mass index (BMI), ang mga ito ay associated sa pagkakaroon ng mahabang buhay at naiiwasan ang peligro sa pagkakaroon ng mga delikadong sakit.

32

Related posts

Leave a Comment