$10M HALAGA NG JORDAN JERSEY

NABENTA ng $10.1 million ang isinuot na jersey ni Michael Jordan sa Game 1 ng 1998 NBA Finals, ayon sa auction house Sotheby’s noong nakaraang linggo.

Ito na ang ‘most expensive’ game-worn sports memorabilia nabenta at pinakamahal ding MJ item naibenta sa auction.

Sinira nito ang dating record na $9.3 million worth na jersey ni Argentinian soccer legend Diego Maradona’s “Hand of God” goal sa 1986 World Cup nabenta rin ng Sotheby.

Most expensive sports memorabilia naman ang $12.6 million Mickey Mantle card ang nag-top sa market.

Isinuot ang nasabing Jordan jersey nang matalo ang Bulls sa Game 1 kontra Utah Jazz (88-85), kaya walang nag-akalang mabibili ito sa malaking halaga.

Unang inakala ng Sotheby mabebenta ang Jordan jersey sa halagang $3 million hanggang $5 million, pero sa naging resulta, napatunayang malakas pa rin sa market ang mga memorabilia may kinalaman kay Jordan.

PAGBABALIK-LAKERS
ITINANGGI NI
THOMAS

PINASINUNGALINGAN ni Isaiah Thomas ang balitang babalik siya sa Los Angeles Lakers, sabay ­kuwestyon sa source ng nagbalita.

Una rito, inilabas ni ­HoopsHype’s Michael Scotto, nagwo-workout si IT sa Los Angeles sa pag-asang mapabilang sa roster ng team para sa 2022-23 NBA season.

Ngunit ayon kay Thomas, ‘incorrect’ ang ulat at nag-post pa sa Twitter ng: “No, I didn’t workout for the lakers!!!!” “What SOURCE told you that?? Smh”.

…PERO SCHRODER
SURE NA!

KUNG may babalik man sa ­Lakers ito ay si veteran point guard Dennis Schroder.

Pumirma ang German baller ng one-year, $2.4 million deal, ayon sa The Athletic.

Inisplit ni Schroder ang nakaraang season sa Boston ­Celtics at Houston Rockets, kung saan nag-average siya ng 13.5 points at 4.6 assists per game, habang may 43.1% shooting sa field.

Matatandaang bahagi si Schroder ng Lakers noong ­Nobyembre 2020, nang sobrang taas ang ekspektasyon sa noo’y defending champions.

Dahil hindi gusto ng Lakers fans si Danny Green, si Schroder ang naging starter kasunod ng career season sa Oklahoma City Thunder, kung saan siya naging runner-up sa NBA Sixth Man of the Year honors.

Sa sobrang hype na bumalot kay Schroder, may ulat na ­inoperan siya ng Lakers ng four-year, $80 million extension, pero kanyang ni-reject para subukan ang free agency sa sumunod na season.

Habang nasa Lakers ­nag-struggle si Schroder at umabot pa sa pagtawag sa kanya ni NBA legend Magic Johnson ng walang ‘competitiveness.’ (VT ROMANO)

65

Related posts

Leave a Comment