MGA LARO NGAYON:
(MALL OF ASIA ARENA)
4:30 P.M. — MAGNOLIA VS BLACKWATER
7:00 P.M. — SAN MIGUEL VS NLEX
(NI JJ TORRES)
IBABANDERA ng San Miguel Beermen at Blackwater Elite ang kanilang mga bagong import ngayong gabi sa PBA Commissioner’s Cup na gaganapin sa Mall of Asia Arena.
Susubukang bigyan ni Chris McCullough ng importanteng panalo ang Beermen kontra NLEX Road Warriors sa ganap na alas-7:00 ng gabi, habang si Staphon Blair ay susubukang tapusin ang two-game losing skid ng Elite laban sa Magnolia Hotshots sa alas-4:30 ng hapon.
Nagdesisyon ang SMB na pauwiin na si Charles Rhodes matapos matalo sa Columbian Dyip sa overtime, 134-132, na nagpababa ng record nila sa 2-5.
Si McCullough ay dating NBA player at naglaro sa Brooklyn Nets at Washington Wizards.
Si Blair naman ang ipinalit ng Blackwater kay Jameel McKay, na hindi nakalaro dahil panget ang ipinakita sa ensayo, kaya’t agad din itong pinasibat.
Bumaba sa 5-3 ang record ng Elite matapos matalo sa Beermen at NorthPort Batang Pier nang walang import.
Masusubukan ang Blackwater sa mainit na Magnolia team na may six-game winning streak.
Galing sila panalo noong Sabado sa Zamboanga City, kung saan nagpamalas ang hometown hero na si Mark Barroca ng 21 points at seven assists.
142