2-GAME ADVANTAGE TARGET NG DRAGONS

Ni ANN ENCARNACION

TARGET ng nangunguna ­ngayon sa PBA ­Commissioner’s Cup na Bay Area Dragons na makuha ang una sa top 2 spots na may two-game advantage sa quarterfinal round.

At magagawa ito ng Bay Area kung tatalunin nila ang TNT Tropang Giga ngayon (Miyerkoles) alas-3 ng hapon sa Araneta Coliseum.

Naagaw ng Dragons (9-2 win-loss) ang liderato mula sa Magnolia sa kanilang 95-89 victory kontra Hotshots (8-2) nitong weekend.

Dumagdag naman sa ­problema ng TNT ang pagka-injure ng kanilang import na si Cameron Oliver, nakumpirma sa MRI na may sprained knee at ­inaasahang ‘di makalalaro ng dalawang linggo o higit pa.

Nabatid na kinuha ng Tropa (4-6) bilang replacement si Matt Mobley.

Samantala, sa main game ng Commissioner’s Cup ­double- header sa alas-5:45 ng hapon ay maghaharap ang San Miguel Beer (4-5) at kulelat na ­Terrafirma Dyip (1-9).

26

Related posts

Leave a Comment