2 GOLDS DIN KAY YULO

DALAWA na rin ang gold medal ni world champion gymnast Carlos Edriel Yulo matapos niyang dominahin ang floor exercise sa Quân Ngùa Sports Palace sa Hanoi.

Ang unang ginto niya ay mula sa all-around event, na nakatulong sa silver medal finish ng team.

Umiskor si Yulo ng 15.200 sa floor exercise upang ihatag sa Pilipinas ang 15th gold medal sa 31st SEA Games.

Sinusulat ito ay nagko-compete pa siya sa pommel horse at still rings.

FIL-AM GOLD SA
WOMEN’S VAULT

TINUPAD ni Filipino-American gymnast Aleah Finnegan ang pangakong hahandugan ng gintong medalya ang Pilipinas sa 31st SEA Games.

Sineguro ng 19-year-old ang ginto sa women’s vault, Linggo sa Quân Ngùa Sports Palace.
Una nang nakabingwit si Finnegan ng silver sa all-around at tinulungan ang Filipinas sa gold medal win sa team event.

Umiskor ang Fil-Am ng 13.133 sa vault, bahagyang mas mataas kay Vietnam’s Thi Quynh Nhu Nguyen (13.033), habang pumangatlo ang all-around champion na si Indonesia’s Rifda Irfanaluthfi (12.817).

50

Related posts

Leave a Comment