NAGDAGDAG pa ng dalawang gintong medalya ang Philippine obstacle course racing team kahapon para walisin ang inaugural event sa pagpapatuloy ng 30th SEA Games sa Filinvest City sa Alabang, Muntinlupa.
Nanguna sina Mervin Guarte, dating miyembro ng athletics team, at Sandi Abahan sa men’s at women’s ng five-kilometer x 20 obstacle at ipagkaloob sa Pilipinas ang kabuuang anim na gold medals.
Nauna nang kumolekta ng apat na gold ang Philippine team sa OCR event kamakalawa, nang manguna sa 400-meter mixed team assist at mixed team relay races sa men at women’s division.
Bukod ditto, tumapos ding 1-2 sa women’s individual 100-m race si Rochelle Suarez (46.70) at si Milky Mae Tejares (47.88).
Kinopo naman ni Kevin Jeffrey Pascua ang men’s 100-m event sa oras na 29.29 seconds. Habang si Mark Julis Rodelas ang nag-uwi ng bronze.
Sina Kyle Antolin, Kaizen dela Serna, Monolito Divina at Deanna Moncada ang humablot ng gold sa 12-obstacle mixed assist race sa tiyempong 3:48.35.
At ibinulsa nina Diana Buhler, Jeffrey Reginio, Klymille Kim Rodriguez at Nathaniel Sanchez naman ang nanguna sa team relay (1:59.56).