2021 Fiba Asia Cup Qualifiers KAI ISASABAK SA 3rd WINDOW

0

HINDI pa tiyak, ngunit may posibilidad na makapaglaro ang 7-foot-3 na si Kai ­Zachary Sotto sa third at final window ng 2021 Fiba Asia Cup Qualifiers sa susunod na linggo sa Clark, Pampanga.

Aminado si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Tab Baldwin at buong coaching staff sa pamumuno ni head coach Jong Uchico na malaking tulong sa Gilas Pilipinas kung makakasama si Sotto sa line-up.

Patuloy na tinatapos ng 19-year old hoops sensation ang quarantine period, kahit nabakunahan na siya sa Estados Unidos bago bumalik sa Pilipinas.

At bagama’t hindi pa nakakapagdesisyon ang ­coaching staff sa partisipasyon ni Sotto sa Gilas sa third window, sigurado naman siyang lalaro sa Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia sa Hunyo 29.

Tatong miyembro ng Gilas – Matt Nieto, Rey Suerte at Dave Ildefonso – ang hindi makakasama sa team dahil sa injuries.

Kaya pinag-aaralan pa ng SBP kung sino-sino ang kukumpleto sa 12-man lineup ng Gilas, na nakatakdang makaharap ang Korea ng dalawang beses at isa kontra Indonesia simula Hunyo 16 hanggang 20.

Kagawian na sa Fiba Asia ang pagpasa ng 12-man lineup sa gabi ng laro. Kaya puwede pang magpalit ng manlalaro hanggang sa huling sandali.

Dahil dito, may tsansang gamitin ng Gilas si Sotto kahit ilang araw lang siyang makakapag-ensayo kasama ng team. (ANN ENCARNACION)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment