Ni ANN ENCARNACION
TULOY ang second professional fight ni Tokyo Olympian Eumir Marcial sa Amerika sa Abril 9, Araw ng Kagitingan.
Kinilala ang makakalaban niya na si Isaiah Hart, na mula Atlantic City at kasalukuyang may 6 wins at 2 loss record.
Sa ngayon ay nasa Las Vegas at puspusan na ang ensayo ng Pinoy middleweight na silver medalist sa 2019 World Championships at bronze sa 2020 Tokyo Olympics.
“We want Eumir to continue on his gains in the Olympics and resume his professional career with another good fight. His foe has a 6 wins and 2 lost record. It will be a good match for Eumir,” sabi ni MP Promotions president Sean Gibbons sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) forum kahapon.
Maliban kay Hart, pinaghahandaan din ni Marcial ang pagsabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Si Marcial ay pumirma sa MP Promotions sa kalagitnaan ng paghahanda niya sa Tokyo Olympics. Kasunod nito, pumunta siya sa USA at nagsanay sa Wild Card Gym sa ilalim ng sikat na boxing coach na si Freddie Roach.
109