(PHOTO BY MJ ROMERO)
HINABLOT ng Mapua Cardinals ang ikalawang sunod na panalo nang talunin ang Emilio Aguinaldo College (EAC), 76-66, kahapon sa NCAA Season 95 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Nagtulung-tulong sina Cyril Gonzales, may 13 points, Paolo Hernandez (11 points) at Laurenz Victoria (10 points) para akayin ang Cardinal sa third quarter breakaway.
Abante pa ang Mapua, 35-27 sa half, bago nagpakawala ng 25 points sa third period upang iwanan ang Generals, na nilimitahan lamang sa 12 points, kung saan pitong puntos ang nai-contribute ni Victoria at buhat doon ay hindi na nilingon ang kalaban.
May 46.5% ang Mapua sa field, at angat rin sa rebounding area, 42-35.
Umabot pa sa 25 puntos ang kalamangan ng Mapua, bago nagsagawa ng rally ang EAC para maibaba ang agwat ng iskor.
Nasa kamay na ng Mapua ang tagumpay, nagkaroon pa ng mga extra motion sa loob ng court, nang ma-thrown out si Jasper Salenga sa huling 22.5 seconds, matapos matawagan ng disqualifying foul kay JC Luciano. Kasunod nito, tinawagan din si Joaquie Garcia ng Mapua ng unsportsmanlike foul.
Nanguna para sa Generals si Luciano na may 12 points at 7 rebounds, habang may 10 points at 6 boards si JP Maguliano.
Ito rin ang ikalimang sunod na kabiguan ng Generals (1-6). Habang 2-5 naman ang Mapua.
Ang iskor:
MU 76 – Gonzales 13, Hernandez 11, Victoria 10, Bonifacio 8, Serrano 8, Lugo 7, Garcia 5, Gamboa 4, Salenga 4, Bunag 2, Jabel 2, Nieles 2, Aguirre 0, Dela Cruz 0, Nocum 0.
EAC 66 – Luciano 12, Maguliano 10, Gonzales 9, Mendoza 7, Dayrit 6, Tampoc 6, Carlos 5, Taywan 4, Martin 3, Cadua 2, Gurtiza 2, Boffa 0, De Guzman 0, Estacio 0.
Quarterscores: 15-10, 35-27, 60-39, 76-66.
138