31st Southeast Asian Games CHUA, BIADO 1-2 FINISH SA 9-BALL

Ni ANN ENCARNACION

PINATUNAYAN nina Johann Chua at U.S. Open champion Carlo Biado na wala pa rin tatalo sa mga Pinoy sa billiards.

Katunayan, sa 31st Southeast Asian Games, Miyerkoles sa Ha Dong Gymnasium sa Hanoi, ­Vietnam ay all-Pinoy ang naglaban sa men’s 9-ball singles final kung saan sinargo ni Chua ang ginto at pilak kay Biado, 9-6.

Ito ang unang SEA Games gold medal ng 29-anyos na si Chua, bronze lang noong 2017 sa men’s singles sa Kuala Lumpur, at bronze pa rin sa men’s doubles sa 2019 Manila edition.

Kamakalawa ay ibinulsa naman ng Pinay na si Rubilen Amit ang ginto sa women’s 9-ball ­singles.

GOLD SA TAEKWONDO, MUAY

NADEPENSAHAN ng taekwondo jin na si Kurt Barbosa ang kanyang gold medal sa Vietnam nitong Martes.

Tinalo ng Tokyo Olympian si Panachai Jaijilla ng Thailand, 16-7, upang mapanatili ang titulo sa men’s -54 kilogram category, kung saan nakasipa siya ng ginto noong 30th SEA Games.

Samantala, humablot din ng gold medal sina Richein Yosorez at Islay Erika Bomagao sa ­women’s waikru mai muay.

5TH GOLD NI CRAY

NANATILING hari ng SEA Games men’s 400-meter hurdles si Fil-Am Eric Cray sa ikalimang pagkakataon, matapos mag-gold medal sa My Dinh National Stadium.

Nagsumite si Cray ng 50.41 segundo at muling dinomina ang pet event sa ikalimang beses na edisyon ng biennial meet.

Ito ang fourth gold ng Philippine athletics team sa Vietnam. Ang tatlong ginto pa ay mula kay EJ Obiena sa pole vault, William Morrison sa shot put, at Clinton Kingsley sa men’s 110-meter hurdles.

Related posts

Leave a Comment