6-DAY QUARANTINE IPATUTUPAD

HINDI na kinakailangan ng hanggang 10-day absence ng mga NBA players at coaches na magpopositibo sa COVID-19.

Sa ulat ng ESPN, nagkasundo na umano nitong Lunes (Martes sa Manila) ang pamunuan ng liga at NBPA sa bagong polisiyang ipatutupad, kung saan ang player at coach (na nagpositibo) ay papayagang makabalik sa aksyon makalipas lang ang anim na araw sa loob ng health and safety protocols.

Hanggang nitong Lunes, mahigit 200 players ang nasa ­COVID-19 protocols, ulat ng ESPN, at karamihan sa nasabing bilang ay ngayon lamang buwan ng Disyembre, kasama ang anim na NBA head coaches.

Ang six-day return ay ibabase sa COVID-19 testing, kung saan kinakailangang makita na ang sinumang indibidwal na ‘no longer infectious’ sa pamamagitan ng ‘low cycle threshold level o CT levels.’

Kinakailangan ang CT level ng player ay 35.

Ang six-day quarantine period ng NBA ay kasabay ng pagbabawas din ng United States’ Center for Disease Control and Prevention ng quarantine time sa lahat ng magpopositibo, nang hanggang limang araw na lang mula 10 araw, kung asymptomatic.

Iaaplay pa rin ang dating polisiya na papayagang agad na makabalik ang player kung makapagpapakita ng dalawang ­negative tests na may pagitang 24 oras.

Inirerekomenda pa rin ng CDC sa asymptomatic ­individuals ang patuloy na pagsusuot ng masks sa harap ng ibang tao, limang araw matapos ang quarantine.

HAWKS KINUYOG NG BULLS

SA magkasunod na gabi, hindi kinakitaan ng pagod ang Chicago Bulls, matapos talunin ang short-handed Atlanta Hawks, 130-118, Lunes (Martes sa Manila) sa
Atlanta.

Nagtulong sina DeMar DeRozan, 35 points at Zach LaVine, 30 points para ilista ang ikaapat na sunod na panalo ng team.

Tumapos si Cam Reddish na may 33 points at si Trae Young, nabigyan ng go-signal 90 minuto bago ang tip-off, ay nakabalik sa starting lineup at umiskor ng 29 para sa Atlanta sa unang laro ng home-and-home set.

Si DeRozan ay 14 for 20 sa field, habang si LaVine, ikalawang laro matapos mawala ng 15 days dahil sa COVID protocols ng liga, ay 11 for 21 at 5 of 8 sa 3-point range. Maging si Nikola Vucevic ay patuloy ang pamamayagpag nang maitala ang kanyang 14th double-double 24 points at 17 rebounds.

Bumato si Vucevic ng 3, 3:15 tungo sa 10-point lead at tuluyan nang iniwan ang Hawks kasunod ng 15-foot fadeaway jumper ni DeRozan para sa 126-116 lead.

Sinundan pa ito ng tres mula sa left corner ni Coby White sa ­huling 1:19.

Ibinigay ni Matt Thomas ang pinakamalaking abante ng Bulls na 16 puntos nang pumasok ang kanyang tres sa closing minute ng third at mula rito ay hindi na nag-abalang humabol ang Hawks, bagama’t nagawa pang makasalaksak ni Riddish ng dalawang tres para ibaba sa lima ang lamang ng Bulls.

Nagbaon si Riddish ng 3 ­tungo sa 108-104 count, bago humirit si Vucevic ng magkasunod na 3s at gawing pito ang abante ng Chicago.

Si Young, ranked fourth sa NBA sa 27.3 scoring average at third naman sa assist (9.3 per game), ay nagsumite ng dalawang negative tests para makabalik sa laro.

Absent si Young sa huling tatlong laro at 1-2 ang Hawks noong wala siya.

Umangat ang Bulls sa 21-10, second-best sa Eastern Conference. First time ng Bulls mula noong 2016 na umabot ng over .500.

Bago ang laro, tabla ang Hawks sa 10th place sa East at nalaglag sa 15-18, matapos ilista ang ikawalong sunod na talo (at home).

Ang tres ni White ang nagbigay sa Bulls ng unang double-digit lead, 9:10 sa third. Ang lay-in ni Vucevic laban kay Clint Capela ay naglagay sa Chicago sa 80-70 advantage, dito na nag-timeout ang Atlanta.

Nagsanib-pwersa sina Young at Reddish para sa 23 points nang kunin ng Atlanta ang 36-31 lead sa first quarter.

Umiskor sa nasabing period si DeRozan ng 15 mula sa 5-for-6 shooting.

Rumesbak ang Bulls mula sa eight-point deficit at itinabla sa 46-all mula sa dunk ni Ayo Dosunmu sa bandang gitna ng second, bago nakahirit ng dalawang freethrow si LaVine at kunin ng Chicago ang 55-54 lead. Kasunod nito ang 3-point basket ni LaVine, 58-56 at tumawag ng timeout ang Hawks.

Lumobo ang abante ng Bulls sa 11 mula sa tres ni LaVine at finger-roll ni DeRozan sa papaupos na oras ng halftime.

Nakapagtala ang Chicago ng 9-for-18 beyond the arc at sina DeRozan at LaVine ay nagsanib sa 44 points sa first half.

Iho-host ng Bulls ang Atlanta sa Miyerkoles.

GRIZZLIES
NAKATAKAS SA SUNS

UMISKOR si Ja Morant ng 33 points, kasama ang layup sa ­huling 0.5 seconds at naitakas ng Memphis Grizzlies ang 114-113 panalo laban sa Phoenix Suns, Lunes ng gabi (Martes sa Manila) sa Phoenix.

Ang basket ni Morant ay kasunod ng 3-pointer ni Devin Booker sa natitirang limang segundo, na nagbigay sa Suns ng unang lead sa laro. Matapos ang timeout, nag-drive si Morant sa kaliwang bahagi ng lane at nailusot ang layup, habang sablay ang huling shot ng Phoenix.

Nagtala si Demons Bane ng 32 points, 19 sa first half nang ilista ng Memphis ang 60-48 lead. Si Steven Adams ay may 13 points at 16 rebounds para sa Grizzlies, dinomina ang boards, 50-35.

Nanguna sa Suns si Booker, 30 points.

Sina Deandre Ayton at Jae Crowder, pati si coach Monty William ay ipinasok sa COVID-19 protocols.

Ikalawang sunod na home loss ito ng Suns, matapos matalo sa kamay ng Golden State noong Christmas Day.
Umiskor si Bane ng 28 noong Linggo sa panalo rin ng Grizzlies laban sa Sacramento.

Nagtala naman si ­Cameron Johnson ng 19 sa Suns. ­Nagdagdag si Jalen Smith ng 15 points at nine rebounds, habang si Cam Payne, 15 points at may 13 points at 13 assists naman si Chris Paul.

Sunod na kalaban ng Grizz­lies ang Los Angeles Lakers sa Miyerkoles. Habang haharapin ng Suns ang Oklahoma City Thunder.

Sa iba pang mga laro, nagtala ang Charlotte Hornets ng 123-99 win kontra Houston Rockets. Wagi rin ang Utah Jazz laban sa San Antonio Spurs, 110-104.

Nanaig ang Minnesota Timberwolves sa Boston ­Celtics, 108-103, at inilampaso ng Dallas ­Mavericks ang Portland ­Trailblazers, 132-117.

104

Related posts

Leave a Comment