KINULEKTA ng San Miguel Beer ang ikalimang sunod na PBA All-Filipino Cup o Philippine Cup championship, matapos maitakas ang pahirapang Game 7 win, 72-71 laban sa Magnolia Hotshots, Miyerkoles ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.
Nagawang habulin ng Beermen ang 17-point deficit, kung saan humablot si June Mar Fajardo ng PBA-record 31 rebounds.
Naibulsa rin ni Fajardo ang kanyang ikatlong Finals MVP trophy.
Si Cabagnot, na hindi masyadong naramdaman sa Finals series, ay nagsumite ng 18 points, kasama ang fallaway jumper sa huling 57.2 seconds na nagkaloob sa San Miguel ng 1-point lead, 72-71 at league-leading 26th title sa franchise history.
161