800M FREESTYLE EVENT, DINOMINA NI STA. ANA

CAPAS, TARLAC – Nagtagumpay si Rosalee Mira Santa Ana ng FilForeign Club na kunin ang gold medal sa women’s 800m freestyle event, Sabado ng gabi , sa pagsisimula ng 1st Philippine National Open Swimming Championships sa New Clark City Aquatics Center dito.

Nagtala ng oras na 9:09.14 si Santa Ana na ipinanganak at lumaki sa Amerika nang talunin sina Kirsten Daos ng QBSC (9:29.19) at Gianna Garcia ng D’Ace Seahawks Swim Club (9:41.41).

“I feel super grateful for this blessing,” pahayag ni 22-year-old na si Santa Ana na nagtapos ng kinesiology (study of human movement) sa Azusa Pacific University sa Los Angeles.

May tatlo pang events si Santa Ana. Ito ay ang 400m freestyle, 200m freestyle at 200m butterfly.

“I promise to do my best in my other events,” sabi ni Santa Ana na silver medalist ng 200m butterfly sa Hong Kong Open. Sumali rin siya sa huling leg ng FINA World Cup Series sa Singapore.

Nagsimulang maging competitive swimmer si Santa Ana noong siya ay 11 taong gulang. Siya ay nag-iisang anak at ang kanyang nanay ay taga-Cavite samantalang ang kanyang ama ay taga-Clark, Pampanga.

Apat pang members ng FilForeign Club ang nagpakitang-gilas sa kani-kanilang mga events.

Namayani si Remedy Alexis Rule (26.34) sa women’s 50m freestyle samantalang nakuha ng kanyang teammates na sina Chloe Kennedy Isleta (26.99) at Jazlynn Pak (27.07) ang silver at bronze, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Bumawi naman si Isleta sa 200m backstroke event nang makuha niya ang gold medal sa oras na 2:18.38. Nanalo ng silver si Roxanne Ashley Yu ng All Star Swim Club (2:18.62) kasunod ni Georgia Peregrina ng FilForeign Club (2:22.46).

Tinalo ni Thomas Peregrina (2:08.14) sina Jessie Khing Lacuna ng Ayala Harpoons Swim Club (2:08.21) at Maurice Sacho Ilustre ng De La Salle-Zobel (2:11.30) sa men’s 200m Individual Medley.

Si Gebbie Luke ang naging kampeon sa men’s 50m freestyle nang magsumite ito ng oras na 22.90 seconds. Napunta ang silver medal kay Miguel Karlo Barlisan ng QCSC Buccaneers (24.08) at nanalo ng bronze si Manuel Victor Perez ng Green Mariners Swimming Club (24.19).

Sa men’s 200m backstroke event, nanalo ng gold medal si Phillip Joaquin Santos ng Ayala Harpoons Swim Club (2:09.20) kasunod ni Steven Francis Ho ng Green Marineers Swimming Club (2:12.36) at Akiva Jose Carino ng Ayala Harpoons Swim Club (2:12.57).

Nanalo ng gold medal si Xiandi Chua ng All Star Swim Club (2:21.18) sa women’s 200m Individual Medley event at naging silver medalist si Nicole Meah Pamintuan ng De La Salle-Zobel (2:26.72). Napunta ang bronze kay Zoe Marie Hilario ng Ace Seawolves Swim Club (2:29.57).

Ang Top 3 finishers sa men’s 1500m freestyle event ay sina Aldo Batungbacal ng Ayala Harpoons Swim Club (16:39.87), Miguel Barreto ng Ayala Harpoons Swim Club (16:54.87) at Markus De Kam ng Swimming Pinas Club (17:14.83).

 

113

Related posts

Leave a Comment