ABUEVA LAGOT SA PHOENIX

abueva65

(NI JJ TORRES)

WALA pa mang linaw ang kung kailan matatapos ang kanyang indefinite suspension sa PBA, muli na namang nalagay sa ‘hot seat’ ang controversial player na si Calvin Abueva.Kahapon ay naglabas ng pagkadismaya ang pamunuan ng Phoenix Pulse kaugnay ng kumalat sa social media, kung saan nakitang lumalaro si Abueva sa ‘ligang labas’ sa Montalban, Rizal.

“The Phoenix Pulse Fuelmasters are deeply disappointed upon learning of Calvin Abueva’s participation in an unsanctioned ‘ligang labas’ game in Montalban, Rizal,” nakasaad sa official statement ng Phoenix.

Nakasaad pa sa statement, na kinausap na nila si Abueva na gamitin ang kanyang suspensyon sa PBA para mag-reflect, at maging aktibo sa pagpapakundisyon para sa kanyang pagbabalik sa laro.

“The team has spoken to Calvin previously and agreed that the cager will use this idle time to reflect on his character while working out on his own both physically and mentally to ready himself for his eventual return once his suspension is lifted.”

Nagkalat sa social media nitong Lunes ang larawan at video ni Abueva na naka-uniporme ng San Isidro sa Rizal.

Base sa league rules, pinagbabawalan ang sinumang PBA player na lumaro sa anumang liga, maliban kung nagpaalam sa kanyang mother team.

Mula noong Hunyo kung kailan pinatawan ng suspensyon, si Abueva ay hindi na nagpakita sa PBA, gayundin sa praktis ng Fuel Masters.

Nagsumite ng written apology si Abueva kay PBA commissioner Willie Marcial, pero wala pang linaw kung kailan matatapos ang kanyang ban.

Idinagdag pa ng Phoenix na uupuan nila ang isyung ito at inaasahang papatawan si Abueva ng multa, pero hindi binanggit kung magkano.

“This news is not only breach to team policies and rules, but also a stark contrast of how we wish to exude our players, especially Calvin.”

“An internal fine will be imposed on him for these actions. Any further incidents will be dealt with more severity.”

 

169

Related posts

Leave a Comment