Hindi na pinaabot ng Alaska sa Game 5 ang semifinal series kontra Meralco, nang tapusin nila ito sa pamamagitan ng 99-92 win kagabi sa Cuneta Astrodome.
Dahil sa 3-1 panalo sa serye, ang Aces ang hahamon sa Magnolia para sa Governors’ Cup crown.
Ito rin ang pagbabalik ng Alaska sa finals matapos ang dalawang taon, kung saan natalo sila sa Rain or Shine sa finals ng Commissioner’s Cup.
Mahaba-habang paghahanda ang magagawa ng Alaska at Magnolia bago magharap sa Game One ng best-of-seven finals na gagawin sa Disyembre 5 sa Mall of Asia Arena.
Ang PBA ay magbibigay-daan sa gaganaping Fiba Basketball World Cup Asian qualifiers.
Binitbit ni Mike Harris ang Aces, nang magsalpak ng dalawang tres na nagpainit sa 11-1 run ng tropa ni coach Alex Compton sa fourth period, upang mula sa 73-all ay palawigin sa siyam na puntos ang abante ng Alaska sa sumunod na senaryo, 84-75.
Sa panig ng Meralco, umiskor si import Allen Durham ng 31 points at may 14 rebounds. (VTRomano)
Ang iskor:
ALASKA(99) – Harris 27, Casio 14, Teng 10, Racal 10, Manuel 10, Banchero 9, Enciso 7, Thoss 4, Baclao 4, J. Pascual 4, Exciminiano 0, Potts 0.
MERALCO (92) – Durham 31, Hugnatan 13, Newsome 12, Salva 10, Amer 10, Lanete 7, Caram 7, Hodge 2, Faundo 0, Tolomia 0, Canaleta 0, Dillinger 0.
Quarters: 21-28; 47-48; 68-60; 99-92.
97