NA-DIAGNOSE si Meralco big man Raymond Almazan na may lateral meniscal tear sa kaliwang tuhod.
Ito ang lumabas sa isinagawang MRI sa kaniya matapos matamo ang injury anim na minuto sa unang bahagi ng Game 3 ng Governors’ Cup Finals na pinagwagian ng Barangay Ginebra, 94-82.
Sa isang rebound play ay nag-agawan at nagkabanggaan sina Almazan at Ginebra guard LA Tenorio na ikinabagsak ng una, na tuluyang hindi na nakabalik sa laro.
Ayon kay Meralco team manager Paolo Trillo, hindi pa nila nakakausap si Almazan, kung kaya nitong maglaro ngayong gabi (Game 4) kung saan lamang na sa serye ang Gin Kings, 2-1.
Sakaling tuluyan nang hindi makabalik sa Governor’s Cup Finals si Almazan, tiyak na mas lalong mahihirapan ang Bolts na manalo.
Bago ma-injured, naga-average ang Bolts big man ng 17.5 points, 11 rebounds, at 1.5 blocks per game.
Walang naman choice si Meralco coach Norman Black kundi ang paghandaan ang posibleng pagkawala sa line-up ni Almazan.
Noong Linggo ay matatandaang ginamit ni Black bilang kapalit ni Almazan sina Reynel Hugnatan at Bryan Faundo, na nagambag ng 10 points sa talo nila sa Ginebra. (EBG)
164